paganahin ang time machine
at ibalik ang araw sa april 11, 2007..
april 11, 2007
wednesday..
graduation rehearsal
attire: smart casual
di ako umattend..
wala akong smart casual eh..
pero nasa school ako..
nagbabayad ng kung anu-ano..
checklist:
toga-check
graduation fee-check
gala-check
white shoes-check
case form-check
ng biglang may magtext ng....
(kelangan ng drum roll dito tugudugguduggugududduggfasdfa)
msg:
"rocel, di binanggit pngalan mo dito sa rehearsal.."
bangenge man ang outfit pumasok ako sa auditorium para malaman kung totoong wala ako sa graduating list..
hindi lang naman ako ang parang bumbay na bigla na lang naglaho sa listahan..pati si hazel wala sa list..pati si chie..si jane..si lester..si iza..at apat na daang estudyante pa..akalain mo 400 students wala sa list..demmet!
so..sa gabi bago ang graduation malalaman mo na wala ang pangalan mo..muka kang gagong nagpapraktis kung pano ka ngingiti sa camera pag hawak mo na ang pekeng diploma..o kung pano ka makikipag-shake hands..scripted na nga pati kung saang part ng seremonyas ka iiyak tapos wala ang pangalan mo sa listahan..muka akong engot..
akyat sa nursing office..
baba sa registrar..
akyat..
baba..
ikot..
upo..
hayyy..
alas syete na..
wala pa din ang bagong listahan..
hinabol si mam grace..
nagsisigaw sa registrar..
harassin si mam canaria..
no choice eh..tense na kame..
di naman kase pwedeng umuwi ako ng bahay at sabihing "ma..wala pangalan ko sa graduating list"
pag tinanong kung "bakit?"
wala akong maisasagot..
wala naman akong bagsak..lahat naman naipasa ko..
nasa listahan na ako ng graduating nung isang araw..di ko alam kung bakit naglaho..
madaming sumugod sa school..
mga nanay..tatay..ate..pati nga si bantay sumugod..
may nagwawala..
may parang nabaliw na nanahimik..
ako gutom na..nakaupo sa sahig
naiinis ako..nabubwisit..
bakit ganon? kelangan pa ba dumaan sa ganong hirap maipasok ka lang sa listahan..
dapat automatic na yun..dapat nagbu-beauty rest na ko ngayon..naglalagay ng patola sa mata..para fresh sa graduation bukas..pero tang ina..ayoko na..hindi ko kailangan magmakaawa kahit kanino para isulat ang pangalan ko sa gagong listahan na yun..makapagmartsa o hindi..graduate na ko..bahala na silang lahat..
tumayo ako sa floor..(napansin kong may upuan pala bakit ba ko umuupo sa sahig?)
sabay walk-out..
uuwi na ako..
buong araw ako nakasimangot..ngumiti lang ako kase may dinner date ako..
yihiii..
napawi yung ngiti ko..ng maisip ko kung pano ko sasabihin na "wala ako sa graduating list.."
bahala na..
napasimangot ulit ako..
nagbihis lang ako sa bahay
at yihiiii "inaasam ang sandali..sinuyod ang buong mundo..maghihintay sayong sundo.."
sumisigaw ang utak ko..
naasar ako..
eto senti tong sasabihin ko...kapag kasama mo na sya..natatahimik lahat...kaya ok na ako..
at alam ko na sasabihin nya "kaw talaga..napakagirlie mo.."
hehhehehe..
niweys..nagkaroon kami ng masarap na dinner..
at habang nagkukwentuhan at kumakain..
may nagtext..
isang umaatikabong text na nagsasabing
"rocel..ok na..nasa lista na yung pangalan mo"
napangiti ako..
ang saya saya ko..
at pati sya masaya na din..
na nadadagdagan yung saya ko kase masaya sya na masaya ako..
ang korni ko pucha..pero yun talaga nararamdaman ko..
pagkatapos kumain tambay lang kami sa labas..
medyo malamig..
walang masyadong stars..
pero may malaking buwang..
walang background music
pero tumutunog ang utak ko..
"and even if my house falls down now..
i wouldn't have a clue..
because you're near me.."
saya...
i've spent the night before my graduation with someone i am madly inlove with..
so pangiti-ngiti lang ako..
di nya alam tumatakbo sa isip ko..
di nya alam na kilig na kilig ako..
nang biglang--
inabot nya saken yung card..
nung binasa ko..
naluluha na ko..
pero maton ako..di ko ipahahalata..pero feeling ko nahalata naman nya na naluluha yung mata ko..
so nagsesenti na ako nung moment na yun..
nata-touch ako..
may papikit-pikit moment pa ako..kase kung di ako pipikit tutulo yung luha ko..
at--inabutan nya ako ng roses..
6 red roses..
nanghina yung tuhod ko men..
wala akong ibang masabi kundi "grabe.." "grabe naman to.." paulit ulit..
biglang humaba yung hair ko..
so nakatitig ako sa roses..at nung medyo nakuha ko na ulit yung sarili ko..nakabawi konti ng poise..konti lang kase poiseless pa rin ako..
biglang sabi nya "o mag wish ka na".. may hawak sya cute na cute na cake at may candle pa..
[ipapaalala ko sa inyo ang naisulat ko noon sa "insomnia and other lullabyes" ang blogspot ko bago itong tala arawan: pangarap kong makatanggap ng cake..gusto ko rin magwish sa candle..nagsasawa na kase akong magwish sa trol..at sa mga puting bulaklak na pumapasok sa ilong ko"]
kulang ang salita para idescribe ko kung anong naramdaman ko nun..
iyak..
tawa..
sabay!
ganun..
kase sa pagkakaalam ko konting konti na lang lalake na ako eh..
babae pala ako..pure..
at sa kagaguhang nangyare sa buong araw..at problema sa school naramdaman kong aba ispesyal pala ang graduation ko..
at ng makakuha ulit ng poise..
tambay ulit sa labas..
pero konting poise lang ang nakuha ko
ang alam ko nga namumula pa ang ilong ko sa kasisinghot dahil sa iyak ko..
nakakahiya para akong batang nagngangawa..
at ng buksan nya ang compartment
may stuff toy..
pink..
ang cute..
may hawak na isang red rose..
napasaya nya ko ng sobra..
puro ako pindot dito ng keyboard..type..bura..type..bura..
kase di ko madescribe yung pakiramdam eh..
di ko makakalimutan yung moment na yun..
first time lang may nakagawa saken nun..
di ko makakalimutan kung pano nya nagawang paiyakin at patawanin ako ng sabay..
ang tumatakbong kanta sa utak ko
"and i want to thank you..for giving me the best day of my life..
oh..just to be with you is having on the best day of life..."
masaya akong umuwi..
--------------------------------
i-adjust ang time machine ng konti..
ibalik sa April 12, 2007..
sabi nga sa text ni alfred sa pinsan ko..late na late na daw akong dumating sa p.i.c.c..pawis na pawis na ako pero ang una kong ginawa ay..picture picture.
nakapagmartsa na rin pagkatapos ng sangkatutak na drug study..nursing care plan..reports.. deffense..case studies..plays..duty sa batangas..duty sa kalayaan..duty habang may naghahabulan ng baril dahil dis oras ng gabi ang tapos ng duty sa imus..tapos na ang ubusan ng pera sa community..tapos na ang paglalamay sa mga computer shop sa times..tapos na ang pagmumura at pagtawa ng mga doktor kapag mali ang naiabot mong instrumento..tapos na ang pagsisigaw sa muntinlupa dahil may multo habang nakasuot ng scrub suit..tapos na ang pagiisip kung magshishift ba ng course..dahil tapos na..tapos na..tapos na..at nalulungkot ako..
at ako'y naghihintay ng panibagong simula..
at masarap magsimula ng kasama ka..