Friday, April 20, 2007

gabi na nun..
matutulog na nga dapat kami..
bumaba lang kami para makakuha ng load sa kompyuter (na hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanggap..)

pero matutulog na talaga kami..

wala si inay nasa camping..
wala si itay di ko alam kung saan nagpunta..
ang tanging kasama ko ay...
(drum roll please..tenenenneneneen..)

si leah..(ang pinakamamahal kong pinsan)

may kumatok..
malakas..
napahawak pa si leah sa isang kahang winston light nya..
ang lakas nung katok.
kinabahan ako..
sinong gago ang kakatok ng ganon kalakas sa dis oras ng gabi?
binuksan ko yung pinto..
nakita ko si kuya ronald..

si kuya ronald ang tropa ng kuya ko..


ako: uy kuya ronald kumusta? tagal na kitang di nakikita..
ronald: may padala si bok..

+naalala ko si bok..tagal na nyang wala dito..gagraduate na ko wala pa sya..at ang huling sabi nya saken magtatagal pa sya dun ng dalawang taon..pag uwi daw nya dalagang dalaga na ako..ano ba yun..naiiyak ako..di naman namin kailangan ng padala..kailangan namin sya..nagegets nya ba yun?+

ako naman sumunod sa auto ni kuya ronald para kunin kung anuman yung padala..habang naglalakad..sa gilid ng mata ko may papalapit..

at biglang nanggulat..

pagtingin ko..
di na ko nakapagsalita..
sumigaw na ako..
si kuya bok..

isang surpresang pag uwi..


baka panaginip to ah..susuntukin ko na utak ko pag ganito..

tinext ko pa si macmac..te mafeth..hazel..alfred..etc..

excited akong ibalita

at the same time gusto ko lang malaman kung normal pa ko..


hahahaha may isa dyan akala nabaliw ako..kase kababanggit ko lang na magso-soul wander ang kuya ko at dadalawin nya kami sa bahay..ang galing nagkatotoo..

tinawagan ko kagad ang nanay ko na malamang natutulog na sa camping..

mama: hello

ako: ma..(with the tiny voice)

mama: bakit? (with the antok voice)

ako: ma..

mama: ano?

ako: ma...nandito na si kuya..

mama: ha?

ako: nandito na si kuya..

mama: ha?

ako: teka..eto kausapin mo..(sabay pasa ng telepono kay kuya)..


after ten minutes tumawag si mama..


mama: hello

ako: o ma?

mama: nandyan na ba talaga kuya mo?

hahahaha pareho kaming hindi naabsorb yung nangyare..

mula sa malayong camping ni mama..nagtravel sya pabalik dito sa bahay..





at iyakan blues na..





ano ang ibigsabihin ng unexpected?





hindi inaasahan..





pero higit pa dun eh..





ni hindi sumagi sa isip..




hindi akalain..




hindi..hindi..hindi..

AND THEY'RE BACK AGAIN..

kung ano talaga ang naramdaman ko?

hindi ko kayang ipaliwanag..

ang alam ko nanlamig ako nun..

nanginig..

naiyak..

the mongoloid is back..

ow ye!


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/