Sunday, April 01, 2007

ang init sa times kahapon..sobrang init..
naglalakad ako sa ibang daymensyon..
iba to sa nakasanayan ko..
nag-iisip ako ng mga bagay bagay..
may bago saken..
guess what..
drum roll pls....dumdumdumdum..
ITIM NA ANG BUHOK KO..
pure itim..
tapos na ang pula...ang brown..ang green..ang violet..
isang daang tao na ang nagsabi saken na pakulayan ko na ng itim yung buhok ko..
nandyan ang mga terror na prof..
mga tiyahin..
at higit sa lahat ang nanay..
na araw araw nagsasabing paitiman na daw ang buhok..
bawal kase bawal..
bawal sa nurse un tsong..
pero wa epek..
walang kinalaman ang buhok ko sa pag aaral ko..
hinding hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa iba..
at ngayon..anong nagtulak saken para gawing itim buhok ko?
sus giliw!
mama: hayup ka din noh?!
ako: bakit?
mama: nagkukulay ka nanaman ng buhok
ako: ayaw mo nun black na?
mama: tapos ano bukas kukulayan mo nanaman ng pula..tapos orange..
ako: hindi nah
mama: hindi mo na alam gagawin mo sa buhok mo..di mo na alam gagawin sa buhay mo
ako: di naman masama ah..di naman ako napapasama..di naman naapektuhan ang pagkatao ko
mama: anong hindi?
ako: bata pa ako..paglipas ng lima..sampung taon baka hindi ko na magawa to.. kaya sinasamantala ko lang ang panahon..
mama: mga rason mo bulok
ako: pano naging bulok? bumaba ba grades ko dahil sa kulay ng buhok..?may natapakan ba akong tao..nabastos ko ba kayo? hindi di ba..
mama: abnoy!
ako: oh well..mana sa---
mama: ano?
ako: iloveyou..
kahit simpleng buhok lang yan..malaking bagay saken yan..sa katiting na paraang eksperimental dyan ko nabubuhos lahat..
pero napagdesisyunan ko ng gawing itim..
simple
natural..
kase may parte saken ang naayos na..
yihiii..
kaya naglalakad ako papuntang school na masaya..
ipinasa ko na kay sir durias yung comparative analysis..
umakyat akong nursing office para hanapin si sir arevalo pero wala sya..
e wala sya eh..
masayang pagmumuni muni ng makita ko sila gliza at xuburt..at si alfred at si chie at si shari....
at ng makahanap ng mga traydor sa buhay..
naghanap na din kami ng away..
puro mura inabot mo kase nga ginago mo ko..
sabi nga di ba "lahat ng babangga magigiba..humanda ka"
at ng matapos..
napapagod ako..mainit...
nagmami kame sa ocampo..
mami..na malamig ang sabaw..
at nagwander wander muna..
naisip ko ang pinagusapan namin ni ate mafeth..sbi nya na "ang buhay hindi patagalan..pasarapan.."
sa mga moralista mali ang konseptong ito..pero para sa akin tama..
ang sarap naman ay hindi literal..ang sarap ay hindi nakukuha sa kalayawan.sa bisyo at kung anupaman...ang sarap ay nasa kaluluwa..sa kalayaan ng puso't isipan..mamatay man ako pauwi kung naging masarap ang buhay ko hindi ko na ipagdarasal na habaan pa..(iloveyou ate maf)..
natapos ang gabi ko sa pag inom ng quickly..ang sarap ah choco taro ba yun?
salamat sa quickly..at sa pagsabing magpakulay na ko ng black!
ang ending naman ng eksena..
alas dose na pala..
binigyan ako ng curfew ng tatay ko..
alas nuebe ang curfew..
ano yun?
walang awa..
di bale mahal kita papa..mwuah..


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/