
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
paganahin ang time machine
at ibalik ang araw sa april 11, 2007..
april 11, 2007
wednesday..
graduation rehearsal
attire: smart casual
di ako umattend..
wala akong smart casual eh..
pero nasa school ako..
nagbabayad ng kung anu-ano..
checklist:
toga-check
graduation fee-check
gala-check
white shoes-check
case form-check
ng biglang may magtext ng....
(kelangan ng drum roll dito tugudugguduggugududduggfasdfa)
msg:
"rocel, di binanggit pngalan mo dito sa rehearsal.."
bangenge man ang outfit pumasok ako sa auditorium para malaman kung totoong wala ako sa graduating list..
hindi lang naman ako ang parang bumbay na bigla na lang naglaho sa listahan..pati si hazel wala sa list..pati si chie..si jane..si lester..si iza..at apat na daang estudyante pa..akalain mo 400 students wala sa list..demmet!
so..sa gabi bago ang graduation malalaman mo na wala ang pangalan mo..muka kang gagong nagpapraktis kung pano ka ngingiti sa camera pag hawak mo na ang pekeng diploma..o kung pano ka makikipag-shake hands..scripted na nga pati kung saang part ng seremonyas ka iiyak tapos wala ang pangalan mo sa listahan..muka akong engot..
akyat sa nursing office..
baba sa registrar..
akyat..
baba..
ikot..
upo..
hayyy..
alas syete na..
wala pa din ang bagong listahan..
hinabol si mam grace..
nagsisigaw sa registrar..
harassin si mam canaria..
no choice eh..tense na kame..
di naman kase pwedeng umuwi ako ng bahay at sabihing "ma..wala pangalan ko sa graduating list"
pag tinanong kung "bakit?"
wala akong maisasagot..
wala naman akong bagsak..lahat naman naipasa ko..
nasa listahan na ako ng graduating nung isang araw..di ko alam kung bakit naglaho..
madaming sumugod sa school..
mga nanay..tatay..ate..pati nga si bantay sumugod..
may nagwawala..
may parang nabaliw na nanahimik..
ako gutom na..nakaupo sa sahig
naiinis ako..nabubwisit..
bakit ganon? kelangan pa ba dumaan sa ganong hirap maipasok ka lang sa listahan..
dapat automatic na yun..dapat nagbu-beauty rest na ko ngayon..naglalagay ng patola sa mata..para fresh sa graduation bukas..pero tang ina..ayoko na..hindi ko kailangan magmakaawa kahit kanino para isulat ang pangalan ko sa gagong listahan na yun..makapagmartsa o hindi..graduate na ko..bahala na silang lahat..
tumayo ako sa floor..(napansin kong may upuan pala bakit ba ko umuupo sa sahig?)
sabay walk-out..
uuwi na ako..
buong araw ako nakasimangot..ngumiti lang ako kase may dinner date ako..
yihiii..
napawi yung ngiti ko..ng maisip ko kung pano ko sasabihin na "wala ako sa graduating list.."
bahala na..
napasimangot ulit ako..
nagbihis lang ako sa bahay
at yihiiii "inaasam ang sandali..sinuyod ang buong mundo..maghihintay sayong sundo.."
sumisigaw ang utak ko..
naasar ako..
eto senti tong sasabihin ko...kapag kasama mo na sya..natatahimik lahat...kaya ok na ako..
at alam ko na sasabihin nya "kaw talaga..napakagirlie mo.."
hehhehehe..
niweys..nagkaroon kami ng masarap na dinner..
at habang nagkukwentuhan at kumakain..
may nagtext..
isang umaatikabong text na nagsasabing
"rocel..ok na..nasa lista na yung pangalan mo"
napangiti ako..
ang saya saya ko..
at pati sya masaya na din..
na nadadagdagan yung saya ko kase masaya sya na masaya ako..
ang korni ko pucha..pero yun talaga nararamdaman ko..
pagkatapos kumain tambay lang kami sa labas..
medyo malamig..
walang masyadong stars..
pero may malaking buwang..
walang background music
pero tumutunog ang utak ko..
"and even if my house falls down now..
i wouldn't have a clue..
because you're near me.."
saya...
i've spent the night before my graduation with someone i am madly inlove with..
so pangiti-ngiti lang ako..
di nya alam tumatakbo sa isip ko..
di nya alam na kilig na kilig ako..
nang biglang--
inabot nya saken yung card..
nung binasa ko..
naluluha na ko..
pero maton ako..di ko ipahahalata..pero feeling ko nahalata naman nya na naluluha yung mata ko..
so nagsesenti na ako nung moment na yun..
nata-touch ako..
may papikit-pikit moment pa ako..kase kung di ako pipikit tutulo yung luha ko..
at--inabutan nya ako ng roses..
6 red roses..
nanghina yung tuhod ko men..
wala akong ibang masabi kundi "grabe.." "grabe naman to.." paulit ulit..
biglang humaba yung hair ko..
so nakatitig ako sa roses..at nung medyo nakuha ko na ulit yung sarili ko..nakabawi konti ng poise..konti lang kase poiseless pa rin ako..
biglang sabi nya "o mag wish ka na".. may hawak sya cute na cute na cake at may candle pa..
[ipapaalala ko sa inyo ang naisulat ko noon sa "insomnia and other lullabyes" ang blogspot ko bago itong tala arawan: pangarap kong makatanggap ng cake..gusto ko rin magwish sa candle..nagsasawa na kase akong magwish sa trol..at sa mga puting bulaklak na pumapasok sa ilong ko"]
kulang ang salita para idescribe ko kung anong naramdaman ko nun..
iyak..
tawa..
sabay!
ganun..
kase sa pagkakaalam ko konting konti na lang lalake na ako eh..
babae pala ako..pure..
at sa kagaguhang nangyare sa buong araw..at problema sa school naramdaman kong aba ispesyal pala ang graduation ko..
at ng makakuha ulit ng poise..
tambay ulit sa labas..
pero konting poise lang ang nakuha ko
ang alam ko nga namumula pa ang ilong ko sa kasisinghot dahil sa iyak ko..
nakakahiya para akong batang nagngangawa..
at ng buksan nya ang compartment
may stuff toy..
pink..
ang cute..
may hawak na isang red rose..
napasaya nya ko ng sobra..
puro ako pindot dito ng keyboard..type..bura..type..bura..
kase di ko madescribe yung pakiramdam eh..
di ko makakalimutan yung moment na yun..
first time lang may nakagawa saken nun..
di ko makakalimutan kung pano nya nagawang paiyakin at patawanin ako ng sabay..
ang tumatakbong kanta sa utak ko
"and i want to thank you..for giving me the best day of my life..
oh..just to be with you is having on the best day of life..."
masaya akong umuwi..
--------------------------------
i-adjust ang time machine ng konti..
ibalik sa April 12, 2007..
sabi nga sa text ni alfred sa pinsan ko..late na late na daw akong dumating sa p.i.c.c..pawis na pawis na ako pero ang una kong ginawa ay..picture picture.
nakapagmartsa na rin pagkatapos ng sangkatutak na drug study..nursing care plan..reports.. deffense..case studies..plays..duty sa batangas..duty sa kalayaan..duty habang may naghahabulan ng baril dahil dis oras ng gabi ang tapos ng duty sa imus..tapos na ang ubusan ng pera sa community..tapos na ang paglalamay sa mga computer shop sa times..tapos na ang pagmumura at pagtawa ng mga doktor kapag mali ang naiabot mong instrumento..tapos na ang pagsisigaw sa muntinlupa dahil may multo habang nakasuot ng scrub suit..tapos na ang pagiisip kung magshishift ba ng course..dahil tapos na..tapos na..tapos na..at nalulungkot ako..
at ako'y naghihintay ng panibagong simula..
at masarap magsimula ng kasama ka..
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
lines to remember..
"patrick dumayagonal ka nga sa basurahan para pantay"
-bok
"pag di ka pumasa ng board exam..papatayin kita" sabay tawa ng malakas..
-papa
"anong size ng bra mo?"
-tita marlyn
"yang kwarto mo parang kwarto ng adik..adik ka ba?"
-mama
"lamo ba masaya ako kc ikaw naging pinsan ko"
-leah
"ate may bagsak ako.."
-patrick
"gago ka"
-alfred
"she's so lucky to be loved by you..i envy her.."
-anonymous
---------------------------------------------------------------------------
you have no idea how lucky i am..
you think you know..
but you have no idea..
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
gabi na nun..
matutulog na nga dapat kami..bumaba lang kami para makakuha ng load sa kompyuter (na hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanggap..)pero matutulog na talaga kami..wala si inay nasa camping..wala si itay di ko alam kung saan nagpunta..ang tanging kasama ko ay...(drum roll please..tenenenneneneen..)
si leah..(ang pinakamamahal kong pinsan)may kumatok..malakas..napahawak pa si leah sa isang kahang winston light nya..ang lakas nung katok.kinabahan ako..sinong gago ang kakatok ng ganon kalakas sa dis oras ng gabi?binuksan ko yung pinto..nakita ko si kuya ronald..
si kuya ronald ang tropa ng kuya ko..ako: uy kuya ronald kumusta? tagal na kitang di nakikita..ronald: may padala si bok..+naalala ko si bok..tagal na nyang wala dito..gagraduate na ko wala pa sya..at ang huling sabi nya saken magtatagal pa sya dun ng dalawang taon..pag uwi daw nya dalagang dalaga na ako..ano ba yun..naiiyak ako..di naman namin kailangan ng padala..kailangan namin sya..nagegets nya ba yun?+ako naman sumunod sa auto ni kuya ronald para kunin kung anuman yung padala..habang naglalakad..sa gilid ng mata ko may papalapit..at biglang nanggulat..pagtingin ko..di na ko nakapagsalita..sumigaw na ako..si kuya bok..isang surpresang pag uwi..


baka panaginip to ah..susuntukin ko na utak ko pag ganito..
tinext ko pa si macmac..te mafeth..hazel..alfred..etc..
excited akong ibalita
at the same time gusto ko lang malaman kung normal pa ko..
hahahaha may isa dyan akala nabaliw ako..kase kababanggit ko lang na magso-soul wander ang kuya ko at dadalawin nya kami sa bahay..ang galing nagkatotoo..
tinawagan ko kagad ang nanay ko na malamang natutulog na sa camping..
mama: hello
ako: ma..(with the tiny voice)
mama: bakit? (with the antok voice)
ako: ma..
mama: ano?
ako: ma...nandito na si kuya..
mama: ha?
ako: nandito na si kuya..
mama: ha?
ako: teka..eto kausapin mo..(sabay pasa ng telepono kay kuya)..
after ten minutes tumawag si mama..
mama: hello
ako: o ma?
mama: nandyan na ba talaga kuya mo?
hahahaha pareho kaming hindi naabsorb yung nangyare..
mula sa malayong camping ni mama..nagtravel sya pabalik dito sa bahay..


at iyakan blues na..
ano ang ibigsabihin ng unexpected?
hindi inaasahan..
pero higit pa dun eh..
ni hindi sumagi sa isip..
hindi akalain..
hindi..hindi..hindi..

AND THEY'RE BACK AGAIN..
kung ano talaga ang naramdaman ko?
hindi ko kayang ipaliwanag..
ang alam ko nanlamig ako nun..
nanginig..
naiyak..
the mongoloid is back..
ow ye!
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
ngayong lang ako nakagpagsulat ulit dito..
dami dami daming nangyare..
sige konting update:
1. dumating ang pinakaasam kong tao..si kuya bok..surpresa ang pagdating nya..ang alam ko nagkokompyuter lang ako tapos may kumatok sa pinto at ayun may nanggulat saken..pagkatapos ng matagal na panahon umuwi na sya.
2. ang muntikang hindi paggraduate..nalaman lang namin na wala kami sa listahan sa gabi bago ang graduation...oo ilang oras na lang graduation na at ayun wala ang pangalan namin..mga four hundred kaming wala sa listahan..
3. ang malupet na matinding graduation sa p.i.c.c
4. pero bago ang graduation ang hindi ko makakalimutang surpresa (hi mac!)
5. at ang paglambot ng puso ng isang babaeng bato..
lahat yan ikukwento ko ng detalyado pero next time..gusto kong ikwento kase nga feeling ko magkaka-alzheimer's disease ako..kaya gusto kong inilalabas ang lahat dito..pero sa ngayon wala ako sa mood magkwento ng nobela, sa dami ba naman ng nangyare nobela na yan..
eto muna istorya ko..kapag ang isang babaeng radikal ay nagsimulang magtuwid ng utak..ano na ang tawag sa kanya?
the life-changing one month
"who is he?" i often hear that question lately. well, this is the first time im going to answer that question in full-length. i fell inlove with him 7 years ago. i fell again one year later. but for five years i never saw him again, so i moved on.
last month, around 9pm i went to the hospital to pass some papers to mrs. torres. at 10pm i was walking home. i am used in walking. i love long walks. i've passed by some drunk students on the corner of figaro. some jeepney drivers kept shouting on the road. and some vendors kept pissing me off.. but i never did care because my mind is preoccupied by some shits. then i looked at the other side of the road, i saw him there..then my life was never the same.
who is he?
are you sure you wanna know?
well you already know..
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
alas diyes ako nagising pero nagpagulong gulong lang ako sa kama..
gulong lang ng gulong..
pateks teks..
kinikilig..
sabi ko maliligo ako ng 11am pero dahil natuwa sa kateteks sige lang..
bumangon ako ng alas dose
nagtahi ng bestida para may maisuot..
tapos go na..
aarkila ako ng toga tsong..
narinig mo??
TOGA!!
pero dahil sa sobrang daming tao..hindi ako nakakuha ng toga..bukas na lang..
pero panis nakuha ko na yung GALA ko..
yung GALA ang isusuot sa graduation at sa mass..
muka akong doktor..
shet..totoo na ba 'to?
tapos nagpunta akong registrar para ifollow-up yung sa p.e ko..
nagkaron pa ko ng kaaway..shet
ganito itsura ng kaaway ko:
1. maitim sya (maitim sya..morena ako..gets?)
2. panget sya ( panget sya at maganda ako..wag ng kumontra kaaway ko 'to)
3. maliit sya ( mas maliit lang ako ng konti pero maliit din sya..so hindi naman sya mas malaki saken masyo..)
4. wala syang modo (minsan may modo ako..minsan lang naman..pero at least meron..)
eksena ganito....
ako: mam ifo-follow up ko lang po yung p.e ko kase nagpass po ako last week kung na-approve na..
sya: (pasigaw) APRIL NA BAKIT NGAYON KA LANG NAGPASA NYAN?
(ang lakas ng sigaw nya..ampanget naman ng muka nya..napatingin saken lahat ng nasa pila..pero naalala ko ang sabi ni macmac na ang kasamaan ay dapat gantihan ng kabutihan..kaya nagpigil ako kahit na gusto ko ng tapyasin ang muka nya)
ako: mam last week pa po ako nagpasa..
sya: KAHIT NA! BAKIT LAST WEEK LANG HA..
ako: maam nung january ko pa po yun inaayos..
sya: (ibinato ang papeles ko,padabog..) PUMUNTA KA SA DEAN MO..MAGPAENDORSE KA
ako: may pirma na po si dean dyan..ayan po oh..
sya: ABA SIKAT KA..MISMONG DEAN PA ANG PUMIRMA DITO..DI BA DAPAT PROFESSOR LANG ANG PIPIRMA DITO..BUMALIK KA NA LANG
ako: sige maam thank you po..babalik na lang po ako bukas..
sya: (lalong tumaas ang boses) GANON KA BA KA SIKAT HA???! BABALIK KA LANG BUKAS GANONG LANG YUN!
(putang ina..tumalim ang tingin ko..nagsasalita ako ng maayos at bubulyawan ako..hindi to makatao..putang ina..anong sikat? oo sikat ako -> joke..e putang ina mo ka..ang bastos mo pinapahiya mo ako..tumalas ang tingin ko..at dahan dahan akong lumapit..)
ako: (mas tinaasan ko pa ang boses ko sa kanya) MAAM KINAKAUSAP KO KAYO NG MAAYOS KAUSAPIN NYO DIN AKO NG MAAYOS..
(lelektyuran ko pa sana sya tungkol sa karapatang pantao at respeto sa iba..sasapakin ko pa sana sya kaya lang lumambot ang boses nya)
sya: (kumalma at bumaba ang boses) sige balik ka na lang sa monday..
ako: sige po..(putang ina mo..pero sa isip ko na lang sinabi yun)
umakyat akong nursing office..magsusumbong ako kay sir arevalo at ipapakita kong itim na ang buhok ko..matutuwa yun..
ako: sir..
sya: ikaw si...............
ako: si rocelle po
sya: ah oo yung magpapakamatay..
maghanap ka ng pang asar!
at dahil maraming nagrereak tungkol sa suicide issue na sinabi ko kay sir arevalo..ipapaalala ko..ganito yun
sir: anong gagawin mo pag di ka grumaduate?
ako: magsu-suicide po..
sinabi ko yan sa loob ng dean's office..sa harapan ng madaming tao..seryoso ako..pero hindi ko alam ang lebel ng kaseryosohan ko..basta ang alam ko kung madudurog ang puso ng nanay..tatay at kapatid ko..e wag na lang akong mabuhay..yun ang seryoso..hindi ko lang alam kung pano..ang naiisip ko inom na lang ng rakyumin..o mag injek ng potassium chloride sa vein.. basta yun na yun!
tumambay ako sa field..
anong meron sa field?
damo pare..
gumawa ako ng tula na babasahin ko bukas..
ow ye pwetry reading..
tapos umuwi na rin ako..dala ang GALA sa bag..
sinukat ko ulit..pucha sabi ni mama muka daw akong doktor..
tae bakit ko sinukat baka di matuloy..
nag soundtrip ako sa kwarto..
kumakanta ang PHILIPPINE VIOLATORS..
naalala ko utol ko..isa lang ang winish ko nung pasko..na sana umuwi na sya..para masaya..pero sabagay bka ako lang ang maging masaya kaya binago ko ang wish ko sabi ko sana maging masaya sya kahit nasan sya..ang huling mensahe nya saken sa prenster ay "tol pag uwi ko dalagang dalaga ka na" ibigsabihin hindi pa sya uuwi..dalawang taon pa daw..
umiyak ako..
awts..wag na nga yun..
naligo ako..
nagtanggal ng asim asim dahil sa sobrang init
at lumabas ulit ng bahay..
mga 7 nag mc float at fries at kikiam kame dyan lang sa may kanto..
at etong taong to ay nagtatatawa dahil sabi ko na feeling ko nung past life ko ako si jose rizal..
saktong 9 dito na ko haws..
ikaw ba naman magkaron ng curfew ng 9..
walang awa..
walang puso
bakit 9? napakaaga!
grrr..pero ayus lang..
at matatapos na ang gabi..
MABUHEY!
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
"isang daang taon..
isang daang luha.."
nagpunta akong paranaque community hospital para kumopya ng kaso..yung jeep dumaan sa san dionisio..pota dun kame nag community service..daming alaala..yung pagpipintura ng basurahan..yung paglalakad with matching holding hands ng mga kukays habang nakatirik ang araw..yung pawising kilikili at usok sa muka..yung mga taong gustong gusto mag pa BP..at yung nagsabing "bobo daw mga nursing students ng perps" at syempre yung mga taong nagpainom ng kape..at nagbigay ng biskwit..nagpaupo at naging kaibigan..
errrr..
trapik..
mas matagal pa yung biyahe ko kaysa sa itinigal ko sa ospital eh..
di muna ako umuwi nagpunta akong starmall para kumembot..(para mag shake..inet eh..)
yung gagong tao...nakatingin sa boobs ko..puta!
demmet..pwede ka naman tumingin ng hindi halata para di naman obvious tsong..bastos ka pakyu!
chill muna..
nag-isip isip..
natatakot..isang bagay na nawala na sa bokabularyo ko..takot..sabagay minsan kailangan ng takot..habang umiinom ng shake nanlamig ang lalamunan ko..pati talampakan ko..mahirap ng maniwala..mahirap magbukas ng puso para sa ibang tao..ang sarap kaseng pakyuhan ang mga gagong tao..pagdating sa weirdong pag ibig..dapat lahat ng tao single na lang..MABUHAY ANG MGA SINGLE..
itinatag namin ang organisasyon tatalo sa KKK..PRIORY OF SION..ILLUMINATI.. inihahandog KO..at ni ALPRED..at ni KRISTINE VILLARAZA..ang organisasyong magpapanatag ng buhay nyo..eto na ang.... (drum roll please).....
"SINGLES FOR US.."
kelangan lang ay single..pwedeng magkaron ng boylet o girlet pero dapat walang commitment.. kase para samen lang kayo...bwahahahahaha...
sa sariling organisasyong itinatag ko ay tumiwalag ako..
(actually lahat naman kami tumiwalag matagal na..kase lahat ay nagkaroon ng mga syota..)
at ngayon talagang tiwalag na ako..
lahat ng takot..tinitignan ko ng mata sa mata..hinihintay ko ang maaring maging sakit at pait..at dinadamdam ko lahat ng saya...para sayo.. im taking all the risk..with the background music "i'm ready this time..i know that im..no longer undecided.."
hinihintay ko si redslim aka ros dahil magpapa-icecream sya..e anak ng teteng may curfew ako ng alas nuebe..yari ako sa tatay ko..kaya napagdesisyunan kong umuwi na..
mula starmall hanggang bahay..lakad lakad..
madami pa kong gagawin bukas..boggggggoooooom!
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya
ang init sa times kahapon..sobrang init..
naglalakad ako sa ibang daymensyon..
iba to sa nakasanayan ko..
nag-iisip ako ng mga bagay bagay..
may bago saken..
guess what..
drum roll pls....dumdumdumdum..
ITIM NA ANG BUHOK KO..
pure itim..
tapos na ang pula...ang brown..ang green..ang violet..
isang daang tao na ang nagsabi saken na pakulayan ko na ng itim yung buhok ko..
nandyan ang mga terror na prof..
mga tiyahin..
at higit sa lahat ang nanay..
na araw araw nagsasabing paitiman na daw ang buhok..
bawal kase bawal..
bawal sa nurse un tsong..
pero wa epek..
walang kinalaman ang buhok ko sa pag aaral ko..
hinding hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa iba..
at ngayon..anong nagtulak saken para gawing itim buhok ko?
sus giliw!
mama: hayup ka din noh?!
ako: bakit?
mama: nagkukulay ka nanaman ng buhok
ako: ayaw mo nun black na?
mama: tapos ano bukas kukulayan mo nanaman ng pula..tapos orange..
ako: hindi nah
mama: hindi mo na alam gagawin mo sa buhok mo..di mo na alam gagawin sa buhay mo
ako: di naman masama ah..di naman ako napapasama..di naman naapektuhan ang pagkatao ko
mama: anong hindi?
ako: bata pa ako..paglipas ng lima..sampung taon baka hindi ko na magawa to.. kaya sinasamantala ko lang ang panahon..
mama: mga rason mo bulok
ako: pano naging bulok? bumaba ba grades ko dahil sa kulay ng buhok..?may natapakan ba akong tao..nabastos ko ba kayo? hindi di ba..
mama: abnoy!
ako: oh well..mana sa---
mama: ano?
ako: iloveyou..
kahit simpleng buhok lang yan..malaking bagay saken yan..sa katiting na paraang eksperimental dyan ko nabubuhos lahat..
pero napagdesisyunan ko ng gawing itim..
simple
natural..
kase may parte saken ang naayos na..
yihiii..
kaya naglalakad ako papuntang school na masaya..
ipinasa ko na kay sir durias yung comparative analysis..
umakyat akong nursing office para hanapin si sir arevalo pero wala sya..
e wala sya eh..
masayang pagmumuni muni ng makita ko sila gliza at xuburt..at si alfred at si chie at si shari....
at ng makahanap ng mga traydor sa buhay..
naghanap na din kami ng away..
puro mura inabot mo kase nga ginago mo ko..
sabi nga di ba "lahat ng babangga magigiba..humanda ka"
at ng matapos..
napapagod ako..mainit...
nagmami kame sa ocampo..
mami..na malamig ang sabaw..
at nagwander wander muna..
naisip ko ang pinagusapan namin ni ate mafeth..sbi nya na "ang buhay hindi patagalan..pasarapan.."
sa mga moralista mali ang konseptong ito..pero para sa akin tama..
ang sarap naman ay hindi literal..ang sarap ay hindi nakukuha sa kalayawan.sa bisyo at kung anupaman...ang sarap ay nasa kaluluwa..sa kalayaan ng puso't isipan..mamatay man ako pauwi kung naging masarap ang buhay ko hindi ko na ipagdarasal na habaan pa..(iloveyou ate maf)..
natapos ang gabi ko sa pag inom ng quickly..ang sarap ah choco taro ba yun?
salamat sa quickly..at sa pagsabing magpakulay na ko ng black!
ang ending naman ng eksena..
alas dose na pala..
binigyan ako ng curfew ng tatay ko..
alas nuebe ang curfew..
ano yun?
walang awa..
di bale mahal kita papa..mwuah..
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya