Wednesday, March 28, 2007

what a day..
what a day..
what a day..
HUWAT A DEY..

sir arevalo: anong gagawin mo pag di ka nakagraduate?
ako: magsu-suicide po..

infairness..natakot si sir at nagcounselling sessions kame (labshu sir)

eto ang araw na nakakapagod..
maghanap ng case
pumila
maghanap ng kakainan..

sir arevalo: sa october ka na gagraduate..
ako: di po pwede sir..

habang kumakain ako ng barbekyu sa times..naisip ko..nak ng tutsang..ang daming problema..yung p.e ko..yung mga cases ko..gagraduate na nga lang pinapahirapan pa..at pag nakagraduate..board exam pa..sige sabihin na nating makapasa sa local board exam..yung international board exam pa..maghanap ka ng sakit ng ulo..pero seryoso pagod na pagod na ko kanina at parang may tumutusok pa sa puso ko..

sa sobrang kalungkutan ko..naikwento ko tuloy ang buhay ko sa mga katabi ko..hindi ko naman sila kilala..kumakain lang din sila ng barbekyu tulad ko..pero natouch ako at nakinig sila..galing!

sir arevalo: malaki pa problema mo
ako: basta sir kelangan ko nga po grumaduate..

ang kantang tumatakbo sa isip ko ay lift your head..baby don't be scared of the things that could go wrong along the way..

wala ba akong mapupuntahang lugar kung saan wala na muna akong iisipin..wala na munang sakit ng ulo..kung saan ligtas at masaya? hindi ako pwedeng late grumaduate dahil wala naman akong ibinagsak..at kelangan maging masaya ng dalawang tao dito..kung saken walang problema kahit octoberian..mas mahaba nga time para magreview..pero may dalawang taong mawawasak ang puso kung hindi ako makakamartsa ngayon..

nung bandang alas dos ng hapon..panandalian akong nakalaya sa mga isipin..
kase kasama kita..
yihiii inlab
with matching background music:
If the world divides us now
And i’m
Take all i have broken

at bago ako umuwi..binigyan nya ko ng cd..sabi nya namnamin ko daw meaning nung mga kanta dahil para sa ken yun..

ng pinakinggan ko
lift your head..baby don't be scared..of the things that could go wrong along the way..

at naging masaya naman ako..
nakangiti nga ako..


pero ng magrambol dito sa bahay..
labo labo na rin utak ko..
------------------------------
huminto ang mundo ko..
nagtext si sir arevalo:
"ok na yung p.e mo"
naiiyak ako..
gusto kong tumalon..
naluluha talaga ako..
tang ina
gagraduate na ko!!


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/