Thursday, March 22, 2007

one month ago..

sa piratahan ng cd..

"kuya may philippine violators kayo?"

"wale eh"

"the woods meron?"

"wala din.."

"hmm asin meron?"

"wala ano ba yan..ano bang mga hinahanap mo..bakit puro luma.."

"basta.."


at kanina..

"kuya.."

"ano nanaman cd ipapahanap mo saken?"

"may introvoys kayo?"

"ha?"

"introvoys kuya..introvoys.."

"bakit di ka ata aktibista ngaun? ang jologs mo.."

"kailangan ko yun kuya...ano meron?"

"wala!"

------------------------------

pucha kailangan ko ng introvoys ano ba....
KASE NGA INLOVE AKO!!

------------------------------

kapag namatay ako mamaya haharap ako sa Diyos at eto ang paguusapan namin:

PAUNAWA: ANG KAUSAP KO DITO AY HINDI ANG DIYOS NG BIBLIYA KUNDI ISIPIN NYO NA LANG KUNG ANONG URING DIYOS ITO..

(panaginip mode lang to)

Diyos: Anong kurso kinuha mo?

Ako: Nursing po..

Diyos: Nursing..(tatawa ng malakas)..bwahahahahahahaha..mga muka talaga kayong pera.. kukuha kayo ng nursing..mandadaya kayo sa exams..aalipinin kayo ng mga doktor..iiwan nyo ang bayan..magiging alila kayo ng mga may sakit na hindi nyo naman kauri..para saan? sa dolyar..sa pera..get a way kid..

ako: (tatahimik at mangingilid ang luha) ....

Diyos: O bakit di ka makapagsalita dyan??

Ako: hindi po totoo yan..mahal ko ang ginagawa ko..

Diyos: (tatawa ng malakas) bwahahahahahahah sinong niloloko mo..ikaw lagi kang late..di ka pa nag-aaral..sasabihin mo mahal mo ang ginagawa mo? sinong bobo ang niloloko mo..

ako: (hindi na pipigilin ang luha) grabe naman kayo magsalita..

Diyos: bakit? totoo naman ah..ano bang naibigay mo aber?ano bang nagawa mo na sa ospital? sa mga tao? ano ba ang naipagpalit mo? tinalikuran mo na ba ang pamilya? ang kaibigan? para lang sa pagsisilbi at pagpapagaling sa tao..sige nga..

ako: hmm..naipagpalit ko ang gig..

Diyos: (magugulat) gig? bwahahahahaha..ang babaw mo kid..so masasabing mahal mo ang kurso mo dahil ipinagpalit mo ang gig?

ako: ipinagpalit ko ang gig..ang panonood sana sa idolo kong si dong abay..tanong mo kay ros, ilang beses nya akong inimbitahan sa saguijo pero di ako sumama kase may duty.. tiniis kong hindi makita sa cynthia alexander..para lang makagawa ng drug study..pinigilan kong hindi sumama sa paggawa ng short films para lang makagawa ng nursing care plan..

Diyos: (mapapaisip) hmm..

ako: hindi ako nakapagsulat ng mga kanta't nobela dahil mas inuna kong intindihin ang anatomy at physiology..hindi ako nakapag ensayo ng putograpiya o paggawa ng mga pelikula tulad ng ninanais ko dahil kailangan kong pumasok..para makapagpaanak..para makaassist sa opera..sinasabi mong pera lang ang habol ko pero matitiis ko ba ang apat na taong walang tulog..walang pahinga para sa pera? mapapangiti ba ako sa loob ng puting uniporme kung kahit minsan ay hindi ko ito minahal?

Diyos: hindi sapat yang sinasabi mo..

ako: mababaw man sayo ang mga sinasabi ko ngayon..pero eto ang lahat ko..tinalikuran ko ang pangarap ko..

Diyos: (napangiti) may point ka

ako: pwede po ba akong humiling..?

Diyos: sige..

ako: gusto ko na pong grumaduate..pakitulungan naman po ako sa mga hassle..

---hindi ko na narinig ang sagot ng Diyos..pero aasa ako na tutulungan nya ko--







sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/