Wednesday, March 28, 2007

what a day..
what a day..
what a day..
HUWAT A DEY..

sir arevalo: anong gagawin mo pag di ka nakagraduate?
ako: magsu-suicide po..

infairness..natakot si sir at nagcounselling sessions kame (labshu sir)

eto ang araw na nakakapagod..
maghanap ng case
pumila
maghanap ng kakainan..

sir arevalo: sa october ka na gagraduate..
ako: di po pwede sir..

habang kumakain ako ng barbekyu sa times..naisip ko..nak ng tutsang..ang daming problema..yung p.e ko..yung mga cases ko..gagraduate na nga lang pinapahirapan pa..at pag nakagraduate..board exam pa..sige sabihin na nating makapasa sa local board exam..yung international board exam pa..maghanap ka ng sakit ng ulo..pero seryoso pagod na pagod na ko kanina at parang may tumutusok pa sa puso ko..

sa sobrang kalungkutan ko..naikwento ko tuloy ang buhay ko sa mga katabi ko..hindi ko naman sila kilala..kumakain lang din sila ng barbekyu tulad ko..pero natouch ako at nakinig sila..galing!

sir arevalo: malaki pa problema mo
ako: basta sir kelangan ko nga po grumaduate..

ang kantang tumatakbo sa isip ko ay lift your head..baby don't be scared of the things that could go wrong along the way..

wala ba akong mapupuntahang lugar kung saan wala na muna akong iisipin..wala na munang sakit ng ulo..kung saan ligtas at masaya? hindi ako pwedeng late grumaduate dahil wala naman akong ibinagsak..at kelangan maging masaya ng dalawang tao dito..kung saken walang problema kahit octoberian..mas mahaba nga time para magreview..pero may dalawang taong mawawasak ang puso kung hindi ako makakamartsa ngayon..

nung bandang alas dos ng hapon..panandalian akong nakalaya sa mga isipin..
kase kasama kita..
yihiii inlab
with matching background music:
If the world divides us now
And i’m
Take all i have broken

at bago ako umuwi..binigyan nya ko ng cd..sabi nya namnamin ko daw meaning nung mga kanta dahil para sa ken yun..

ng pinakinggan ko
lift your head..baby don't be scared..of the things that could go wrong along the way..

at naging masaya naman ako..
nakangiti nga ako..


pero ng magrambol dito sa bahay..
labo labo na rin utak ko..
------------------------------
huminto ang mundo ko..
nagtext si sir arevalo:
"ok na yung p.e mo"
naiiyak ako..
gusto kong tumalon..
naluluha talaga ako..
tang ina
gagraduate na ko!!


sasasadam hussein


Monday, March 26, 2007


---------------------------------
for the first time..may tumulong saken..

tumulong na hindi ko naman hinihingan ng tulong..

di naman ako nagkukwento..

salamat mark gerald veluz..

------------------------------------


kinakailangan ko din sana ng tulong..
pero mas pinili kong tumawa..
mabuhay
at umasa..
kase ganon talaga..
minsan masaya naman ako..
sapat na ang minsan..
kase kung araw araw akong masaya hindi ko na deserve yun..
tama na saken to..


sasasadam hussein



masarap din palang makipag usap ng masinsinan sa ama..
ako: pa..
papa: ano?
ako: break na kami ni amir...
at dun na nagsimula ang mahabang usapan..


sasasadam hussein


Saturday, March 24, 2007

pakyu talaga yang 6cyclemind na yan..
nirevive na nga nila yung prinsesa..
binaboy na nga nila
tapos ngayon nirevive nila yung upside down..
pakyu kayo!
tangina nyo!

--------------------------------

GRAVE YARD SHIT..

kapag ang duty 10pm-6am..tapos wala namang manganganak o magpapaopera..
mga bangag kaming lahat..
gustuhing matulog di makatulog..
gustuhing magkwentuhan tinatamad namang magsalita
patext text..
soundtrip..
ang sakit sa ulo..
kaya pagdating ng 6am at uwian na..mugto mga mata..daig pa multo..
tapos magtitinginan..
si chie titingin saken..ako titingin kay hazel..si hazel titingin kay jane..si jane titingin kay veluz (yihiii..)
tapos magngingitian..
ngingiti lang..
wala lang..
hanggang sa makasakay sa jeep..
magtitinginan..
walang masasalita lahat inaantok
tinginan..
tinginan..
ngingiti
tapos tatawa..
ayan..epekto ng graveyard shit!

nakakuha ako ng apat na cases kahapon..PICC here i come..martsa martsa!!arrrgh!!

-----------------------------

AT ETO AY PARA SA AKING FALLING STAR..
HAY CELEB!

I want to hold the hand inside you
I want to take a breath that's true
I look at you and I see nothing
I look at you to see the truth
You live your life
You go in shadows
You'll come apart and you'll go black
Some kind of night into your darkness
Colors your eyes with what's not there.
Fade into you
Strange you never knew
Fade into youI think it's strange you never knew
A stranger's light comes on slowly
A stranger's heart without a home
You put your hands into your head
And then it's smiles cover your heart
Fade into you
Strange you never knew
Fade into you
I think it's strange you never knew
I think it's strange you never knew

salamat sa stress stabs..seryoso ikaw lang nakapagbigay saken nun..
tsaka sa pasta..

yiheeeeeeeeee..


sasasadam hussein


Friday, March 23, 2007

hindi ako nakatulog..


seryoso..

nakatulog ako mga 15 minutes at napanaginipan ko si edu manzano at si dina bonnievie..

siguro dahil napanood ko nung isang linggo yung palimos ng pag ibig kaya tumatak sa utak ko..

sa panaginip ko magsesex daw sila..

kaya lng dumating yung kontrabidang nanay ni edu manzano..

hindi natuloy..

ayun..

the end..


sasasadam hussein


Thursday, March 22, 2007

one month ago..

sa piratahan ng cd..

"kuya may philippine violators kayo?"

"wale eh"

"the woods meron?"

"wala din.."

"hmm asin meron?"

"wala ano ba yan..ano bang mga hinahanap mo..bakit puro luma.."

"basta.."


at kanina..

"kuya.."

"ano nanaman cd ipapahanap mo saken?"

"may introvoys kayo?"

"ha?"

"introvoys kuya..introvoys.."

"bakit di ka ata aktibista ngaun? ang jologs mo.."

"kailangan ko yun kuya...ano meron?"

"wala!"

------------------------------

pucha kailangan ko ng introvoys ano ba....
KASE NGA INLOVE AKO!!

------------------------------

kapag namatay ako mamaya haharap ako sa Diyos at eto ang paguusapan namin:

PAUNAWA: ANG KAUSAP KO DITO AY HINDI ANG DIYOS NG BIBLIYA KUNDI ISIPIN NYO NA LANG KUNG ANONG URING DIYOS ITO..

(panaginip mode lang to)

Diyos: Anong kurso kinuha mo?

Ako: Nursing po..

Diyos: Nursing..(tatawa ng malakas)..bwahahahahahahaha..mga muka talaga kayong pera.. kukuha kayo ng nursing..mandadaya kayo sa exams..aalipinin kayo ng mga doktor..iiwan nyo ang bayan..magiging alila kayo ng mga may sakit na hindi nyo naman kauri..para saan? sa dolyar..sa pera..get a way kid..

ako: (tatahimik at mangingilid ang luha) ....

Diyos: O bakit di ka makapagsalita dyan??

Ako: hindi po totoo yan..mahal ko ang ginagawa ko..

Diyos: (tatawa ng malakas) bwahahahahahahah sinong niloloko mo..ikaw lagi kang late..di ka pa nag-aaral..sasabihin mo mahal mo ang ginagawa mo? sinong bobo ang niloloko mo..

ako: (hindi na pipigilin ang luha) grabe naman kayo magsalita..

Diyos: bakit? totoo naman ah..ano bang naibigay mo aber?ano bang nagawa mo na sa ospital? sa mga tao? ano ba ang naipagpalit mo? tinalikuran mo na ba ang pamilya? ang kaibigan? para lang sa pagsisilbi at pagpapagaling sa tao..sige nga..

ako: hmm..naipagpalit ko ang gig..

Diyos: (magugulat) gig? bwahahahahaha..ang babaw mo kid..so masasabing mahal mo ang kurso mo dahil ipinagpalit mo ang gig?

ako: ipinagpalit ko ang gig..ang panonood sana sa idolo kong si dong abay..tanong mo kay ros, ilang beses nya akong inimbitahan sa saguijo pero di ako sumama kase may duty.. tiniis kong hindi makita sa cynthia alexander..para lang makagawa ng drug study..pinigilan kong hindi sumama sa paggawa ng short films para lang makagawa ng nursing care plan..

Diyos: (mapapaisip) hmm..

ako: hindi ako nakapagsulat ng mga kanta't nobela dahil mas inuna kong intindihin ang anatomy at physiology..hindi ako nakapag ensayo ng putograpiya o paggawa ng mga pelikula tulad ng ninanais ko dahil kailangan kong pumasok..para makapagpaanak..para makaassist sa opera..sinasabi mong pera lang ang habol ko pero matitiis ko ba ang apat na taong walang tulog..walang pahinga para sa pera? mapapangiti ba ako sa loob ng puting uniporme kung kahit minsan ay hindi ko ito minahal?

Diyos: hindi sapat yang sinasabi mo..

ako: mababaw man sayo ang mga sinasabi ko ngayon..pero eto ang lahat ko..tinalikuran ko ang pangarap ko..

Diyos: (napangiti) may point ka

ako: pwede po ba akong humiling..?

Diyos: sige..

ako: gusto ko na pong grumaduate..pakitulungan naman po ako sa mga hassle..

---hindi ko na narinig ang sagot ng Diyos..pero aasa ako na tutulungan nya ko--







sasasadam hussein


Wednesday, March 21, 2007


saturday ng hating gabi nagpunta akong laguna..

ininit ni leah yung pansit..
habang madaldal akong nagkukwento..
kinain namin yung pansit..

naubos
"te rocelle gusto mo pa?"

ako..di nakasagot (gusto ko pa pero nakakahiya) sabi ko "ayoko na"


"nahiya ka pa!"


kaya si leah nag-init ulit ng pansit..

pagkatapos umupo kami sa sala


muka kaming tungaw


nagso-soundtrip..


napapangiti pa..
pumikit pa mga at feel na feel kumanta ng "lead me Lord"


"etong susunod na kanta para sayo.."
tapos reminiscing ng mga old crushes..


muka tayong tanga..

pero masaya..


hanggang sa antukin..

"saan tayo matutulog"


"e di dyan.."


"kaya mo ba yung hilik ni papa?"
----------------------------------



ilang beses kame ginising


"hoi gising na.."


"ayan alas singko na kase kayo natulog.."
(pero hindi kami alas singko natulog mga 3am tulog na ata kame tama ba leis?)

pagkagising..kumain..nanood ng meet joe black..



(hoi leah yung script isend mo na saken)


nagandahan ako sa movie..


nanood konti ng da buzz


"uwi na ko"


"bukas ka na uwi"


"sige!"


at mapagdesisyunang mag-starbucks..


"wag na tayong maligo..pagdating na lang natin"


"sige..hilamos bihis tutbras"



"pero ang dadaanan natin masukal na daan at may aakyatin tayong pader..yun kase ang short cut.."



"sige keri lang yan.."


infairness masukal naman talaga yung daan..at take not nagdala pa kame ng armas namin..nagdala kami ng gunting na mapurol..kmsta naman?


eto yung masukal na daan:



at ganito naman kataas yung aakyatin..


ow ye starbucks here i come..


at ayun na nga..


tumambay..


nagkwentuhan..


umuwi..


bibili dapat ng imbutido


e wala..siomai na lang


paguwi..


naglaro ng uno cards kasama si patrick..


syempre bano nanaman si patrick


maagang nakatulog si leah..


kami ni patrick nagkwentuhan hanggang mamatay..


hindi naman kami namatay..


lakas magyosi nung batang un..


at ang pampatay sa yosi ay oksayd,oxide..


kinabukasan uwi na ko...

--------------------------------

pinsan ko


laki ng boobs o..heheh peace!

kung meron man akong taong gustong makasama habambuhay

siguradong sigurado ako..

ikaw yun leis..

mahal na mahal kita..


sasasadam hussein



tumingin ako sa labas..
antrapik..
antrapik trapik..
napatingin ako sa ulap
ang ulap ay parang koton kendi..
nagutom ako..
tumingin ako sa mini bus
ang kyut..
tumingin ako sayo..
sabi ko nga wala ka pa ding pinagbago
astig ka pa din..
ang layo ng iniisip mo..
ano bang iniisip mo?
sinong iniisip mo?

hayyyyyyyyyyyyyyy..

sabi nga ng cambio "matatapos na.."
ang alin?
kung anuman to..
ayus lang saken..
ni hindi ako nasasaktan..
ni hindi ako naiiyak..
e ano kung matapos..
eto na yata ang pinakamasaya..
natapos man masaya naman..
at siguro lahat ng masaya kailangan matapos..
kse kung hindi matatapos
hindi ko malalamang masaya..

suot ko ang pink kong jacket
pero walang kasing lamig ang nararamdaman ko
gusto kong magmura
putang ina ayp!
putang ina pero nakangiti
ayus na to
saktong sakto na ko dito..
bukas gigising ako..
maligaya
sa isang bukas gigising ulit ako
ng maligaya
mamimiss nga lang kita..

tinignan kita
astig ka talaga
bakit ka ba ganyan?
bakit ba di ka nagbabago para di naman ako masyadong naiinlove..
ayp!
di bale bukas wala ka na
bukas wala na
wala na
wala na..

kaya lang....
CELEB..hinawakan mo kamay ko eh..


sasasadam hussein


Tuesday, March 20, 2007

bakit ba ko nakikinig sa mga sentimental songs ngayon?????
pucha baket?!
tagal tagal ko ng di nakikinig sa "will i ever survive ng introvoys.." mga ganong tipo..
at ngayon nakikinig ako..
baket?
baket?
baket?

i have this feeling inside me that i've always tried to hide this feeling has never ended, didn't ever subside..

wag nyo kong kakausapin ngayon...
corny ako!!

kung itatanong anong nararamdaman ko..hindi ko rin alam isasagot ko..bakit nga ba? di ko talaga alam..lagi nilang sinasabi.."imposible..dapat alam mo kung bakit o kung anong nararamdaman mo..o kung anong rason.." ang sagot ko naman minsan may mga bagay na bago malaman ay kailangang maintindihan..sa puntong ito hindi ko pa naiintindihan ang mga nangyayare..pero hindi ako nagkukunwari..ayaw kong magkunwari..


i realized that keeping it would only cause me pain so i tried to forget about it but the feeling only remained

ang dami dami ko din gustong itanong..pero pano ako makakapagtanong sa taong nagsabing "may mga bagay na hindi na dapat tinatanong.." sa bagay sa totoo lang natatakot din ako magtanong..baka di ko kayang tanggapin ang sagot..

tell me will i ever survive stop my tears and keep it inside holding back myself from being close to you

minsan naisip ko magkunwari na lang ako..kunwari wala lang..di apektado..pero pwede ba yun?

here i am all alone so lost and full of confusion
not knowing how to help myself arrive at a decision
i can't get you out of my mind

ang labo..
shet ang labo labo..


i don't know what to do it's this feeling that's ever growing
it's this feeling i feel for you....

hindi dapat..
pero..

Will i ever wake up from this dream I'm going through


sasasadam hussein


Monday, March 19, 2007

nakakita ulit ako ng falling star nung saturday..

nanaman..

basta pag ikaw kasama!

ano ka ba binabayaran mo ba ang star para mahulog..

hmmm...


sasasadam hussein


Friday, March 16, 2007

nakakita ako ng falling star kagabi..
akalain mo yun!!
first time!

salamat sa pagsama..
salamat sa panahon..
sa carbo..
sa choco shake..
sa stars..
sa debate kung pwede ba lumapit sa star..
sa pangaasar
sa FALLING STAR (first time yun men!)
sa pag upo sa kalye
sa paglalakad kahit may aso..
sa soundtrip sa kotse..
sa rivermaya (damn im a rivermaniac ano ka ba!?!)
sa mga scoop tungkol kay rico blanco at kc concepcion..
sa C2..
sa pagkukwento tungkol sa buhay mo..
sa pagtatyaga sa katamaran kong magduty
sa paghatid..
sa lahat..
salamat ulit!


sasasadam hussein


Thursday, March 15, 2007

paggising ko may nagtext nito:
"i wanna wake up with you..i wanna be there
when you open your eyes..i want you to be
the first thing that i see...
i wanna wake up with you..
all the love inside me has been sleeping..
wait til the right one to come along..
you can share the love that i've been keeping..
you can put the music to my song...
i love you rocelle"
awwwwwwwwwwwww...
swweeeeeeeeeeeeeeeeet!!!
thanks curly...
----------------------------
meron akong pelikulang gustong idirect..
ganito yung storya:
dati ganito yung sitwasyon..akala nya ganon na talaga..
tapos naging ganito..
ang ganda noh?
syet ang galing ko talaga maging story writer..
amp!
-----------------------------
kagabi nagpunta akong hospital..
di ko ineexpect na nandun ka CELEB..
pero masaya ako..
wala ka pa din pinagbago
astig ka pa din..
arrrgh!
(with the background music of..when you were here before..
couldn't look you in the eye..
you're just like an angel
your skin makes me fly..)
---------------------------
naalala ko may tatay na nagwawala sa cashier..
tatay: (sumisigaw) ANO PANG KAILANGANG BAYARAN
cashier: yung board review po
tatay: MAGKANO YUN?
cashier: 12,000 po
tatay: ANO PA?
cashier: yung grad fee pa..
tatay: MAGKANO YUN?
cashier: 1, 200
tatay: YUN LANG..NAMUMULUBI NA KO
cashier: meron pa po
tatay: ano pa?
cashier: yung sa gala pa..grad pic at yearbook..
tsaka completion 1,600 per day po yun e ilang linggo po yun..
tatay: (natahimik)...
tapos kinwento ko sa tatay ko..
papa: bakit mo kinukwento yan?
ako: e naalala kita..hehehehe


sasasadam hussein


Wednesday, March 14, 2007

napanood ko na yung 300

this is madness..


THIS IS SPARTA!!!!!!!!!!!!!!!!

naapektuhan ako ng pelikula..

napapahawak nga ako sa upuan..

napapamura..

napapapikit..

nagustuhan ko talaga..pramis!
-----------------

hindi pa ako patay..
pero parang nasa impiyerno na ko..
oo impiyerno..
pero iba dito..
hindi apoy
hindi kumukulong asupre..
pinapaso ako ng lamig..nagyeyelo na kase ang puso ng mga tao dito..ni hindi nila ako kayang hawakan..
araw araw akong naglalakad papunta sa mundong hindi naman ako nais yakapin..at makisalamuha sa mga taong hindi ko naman talaga kilala..uupo..tatayo dahil sa utos ng mga taong animoy diyos..susubukan kong tawanan ang mga tinatawanan nila o iyakan ang mga iniiyakan nila..pero hindi kayang tagalan ng sarili ko..dahil ang pangongopya sa iba ay katangahan..hindi kabobohan..katangahan..dahil ang buhay ko ang tinatawan nila..magsasalita ako ngunit hindi ko pa rin kayang buksan ang puso ko kanino man..sinong nagsabing hindi ako lumaban..lumalaban ako wala nga lang may pakialam..pero oo minsan nagtatago ako...nagtatago ako sa rage against the machine..pearl jam..korn..marilyn manson..dong abay..cold play..at madami pang iba..sila na lang muna magsasalita para sa akin..at kung meron mang langit sa impiyernong ito..ang langit na iyon ay ang paminsang minsan pagngiti mo at ayos na ko..seryoso.. ayus na ko..


sasasadam hussein


Tuesday, March 13, 2007

masaya ako..kahapon..kagabi..
masaya kame...ako, hazel, inah,gliza, iza, jane, carla at alfred..
sa sobrang saya ko gustong gusto ko ng mahiga sa kalye..


ako: jane, higa tayo sa kalye
jane: tara..

aarrrgh di ko pa rin nakakausap ng maayos yung prof ko sa p.e.. sabi ko ipapabombo radyo ko sya..

wala lang..gusto ko lang ipabombo radyo..

-----------------------

kunin nyo na ko sa dubai..
punta na tayo sa dubai..
ayoko na dito...waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!



sasasadam hussein


Monday, March 12, 2007

sasabihin kong walang nagbago...
akala mo walang nagbago..
pero meron..meron..meron..
you have no idea..


i love watching tom hanks and meg ryan.. lalo na sa sleepless in seattle.. well kahapon napanood ko yung you've got mail..actually ilang libong beses ko na yun napanood pero gustong gusto ko talaga yun..lalo na yung part na naguusap si meg at yung bf nya..sabi:

"is there someonelse?"
"no...no....but there's a dream of someonelse.."

+wink+ +wink+

punyeta..ang corny mo..


------------------------------------
but i really have this dream..



sasasadam hussein


Saturday, March 10, 2007

may sobrang nakakatawang pangyayare kaninang madaling araw sa duty..
kaya lang hindi sya nakakatawang ikwento..
maganda ireenactment..

------------------------

sinundo ko sa office si leah tapos tumambay sa san fran..naalala ko si hazel kase plano namin mag call center habang naghihintay ng result ng board exam..wala naisip ko lang after office hours san kaya kami tatambay? ow ye!

-----------------------

gusto ko ng pumuntang DUBAI..
napag-usapan namin ni leah na after kong makuha yung result ng board exam pupunta kaming Dubai..

bale ganito:

graduation-board exam-while waiting for the result call center muna-pag ok na common lets sa dubai..

parang ganon kadali e noh..
pero seryoso..
pupunta kaming DUBAI!

---------------------

eto na senti mode..

a 1--2--1---2--3--4


its funny how memories came rushing back..as if five years eventually vanished and you're living again through those fucking childhood giggles and clueless intensity..arrrgh..i never thought that there would be a medium for memoirs to find its way to me..it doesn't make sense..well it might mean everything to me five years ago but hell it doesn't mean anything now..i was there..in the second row..seated in the second line..listening..i couldn't miss any word..i couldn't miss anything..i looked so ugly and sick..i kept fighting my feelings yet i always lose and whatever i'll do.. and no matter how i kept pushing myself you will always be the most beautiful person i've ever seen..and you're always there..oblivious..beautiful ones they hurt you everytime..years have passed im no longer obscure..im now in the safest place i could ever be..i've grown in ways you'll never think of..im happy sometimes..obscene sometimes..i've somehow forgotten about you..about the mystery that is always present whenever you're around..and now there you are..what the hell do you expect me to react???????????????????? or what am i suppose to say????????????? things you're saying don't mean anything now...but i woke up sighing..


sasasadam hussein


Wednesday, March 07, 2007

i found two long lost friends..

yung isa is a very dear friend..

and the other one is a past love..


yipeeeeeeeeeeeeeeee!!

----------------------------------

astig yung reviewer namin kahapon..lupet..galing...dami kong natutunan..bihira yun ah..

sabi nya:

"paglabas nyo sa unibersidad na to class madaming mayayabang na tao..madaming mapangmata..mapagmataas..aapihin nila kayo..madaming tao tingin nila sila lang ang magaling..at kung lalaban kayo para kayong palayok na lumaban sa golden jar..oo alam kong matapang kayo..pero wag kayong lumaban basta basta..mag-aral kayo..ayan ang libro magbasa kayo..ang karunungan ay dumadapo sa lahat..walang pinipili..parang sikat ng araw lahat nasisinagan..sa propesyon ninyo class karunungan ang panlaban ninyo..wag kayong lumaban na walang alam..lumaban kayo gamit ang galing..ipakita ninyo na may alam kayo..na hindi kayo basta basta kayang apihin..hindi kayo utusan ng mga doktor..hindi mabubuhay ang pasyente ng walang nurse..oo doktor ang nagpre-prescribe ng gamot pero nurse ang nag-aalaga..at hindi lahat ng tao pwedeng mag-alaga...caring for a sick person requires knowledge..at kapag alam ninyong kaya nyo ng lumaban hindi na kayo palayok..isa na kayong maso..oo class maso..ang masong dudurong sa golden jar..wag kayong magpapasindak sa mga taong mapagmataas..labanan nyo sila sa pamamagitan ng pagiging humble..darating ang panahon lahat ng nagmamataas ay ibaba..ang nauuna ay ihuhuli...tandaan nyo yan"

bago matapos ang review:

sir: did you learn class?
lahat: yes
sir: did you learn a lot
lahat: (sumisigaw) YES!!!
sir: what is our goal?
lahat: top the board exam
sir: i can't hear you..say it..common class say it..and i believe in it..what is our goal?
lahat: (sumisigaw)TOP THE BOARD EXAM!!!

-----------------------


sasasadam hussein


Monday, March 05, 2007




late na ko nagising kase late na ko natulog kase ang ganda ng nobela..



late na ko nagising kaya late na ko pumasok..

nasa school na ko pero nahiya akong pumasok ng classroom

sabi ko sa isip ko papasok ako pagbreak time na..kakain muna ako..

lalabas na ko ng gate pero nakita ko si peng

sabi nya pasok na daw kase kami ng classroom maaga pa naman..






isa't kalahating oras pa lang tayong late..maaga pa yan..



pumunta akong rob gale..


manonood ako ng rome and juliet..


pero walang rome and juliet..



alangya!


sabi ni leah..sa rob ermita daw meron..


tutsang! sana sa rob ermita na lang akong nanood..



at dahil gustong gusto ko ng manood..


at gusto ko Filipino film..



at dahil corny ako..


at dahil gusto ko si toni gonzaga

at dahil corny talaga ako..

nanood ako ng


you got me..


YOU GOT ME!

dapat ako lang mag-isa manonood but someone has given me his time kahit na alam ko busy sya..salamat amiritot..at least kahit di ako nagandahan sa pelikula e andyan ka..

di naman ganon kapangit yung pelikula






pero hindi lang talaga ako nagandahan..





sayang yung ticket





sabagay libre lang naman yung ticket..





pero sayang pa din..





tapos dumerecho kaming exhibit..di ba puzzle tayo..?




habang kumakain ng carbo at soup..nagsosolve kami ng mathematical problems..gustong gusto ni amir ang math..ayun mahigit isang oras din kaming nagso-solve..ang kulit nga eh..nakalimutan ko na ang mga formula..




indeed.. i had a happy time..:-)





------------------------

hindi ako bumagsak simula nung nag nursing ako..
ke-minor yan
o major yan..
pero pinoproblema ko p.e ko ngayon
pano tuwing nagpapaprint ako ng copy of grades kulang ako ng isang p.e
hindi pwede yun!
kumpleto yun!
may grade nga ako dun
yung prof ko hiningan ko ng tulong
dahil sabi sa registrar kapag tinulungan nya ko tapos ang problema
pero mukang sya mismo ang problema..
nakakatakot pa naman yung muka nung prof na yun..
di ko sya makausap kase..
kase natatakot akong sabihin nyang
next sem pa maayos ang problemang to..
hindi pwede kase----
hindi talaga pwede kase--
KASE NGA--
GAGRADUATE NA KO THIS SEM..
kaya bukas bobombahin ko sya..
kakatok ako sa pinto nya
at sasabihing: HOY AYUSIN MO YUN..
de joke lang..actually hihingi ulit ako ng tulong..


sasasadam hussein


Sunday, March 04, 2007

drivin on a sunday
tucked in the mellow pace of life
i think about you as the sun blinks between the trees
that waltz in the gentle breeze i try to memorize the feelin..
SUNDAY..SUNDAY..SUNDAY..
laba..laba..laba..
sunday lang ako walang pasok..suppose to be sunday sana ang rest day..pero gone are the days na ipinaglalaba ako ni aling babes na sabi ni kuya si aling babes daw ang tunay kong ina..at ang mga magulang ko ay hindi naniniwala sa washing machine..kami na lang yata ang walang washing machine dito..amp! kaya sunday ay laba day..
niyaya kong manood ng sine si mama..
ayaw nila..
niyaya ko si amir
mag-aapply daw sya bukas..
mukang mag-isa akong manood ng rome and juliet ah..
ayus lang..nag-eenjoy naman akong manood ng sine mag-isa..pero nakakalungkot din..pero ayus lang..


sasasadam hussein



Everyday..
Waking up everyday..
with the hell i have gotten used to..
Dear Rocelle,
Muka kang gago di mo nanaman makita ang medyas mo..
ang aga aga mo pumasok pero naiwan mo naman ang sapatos mo kaya bumalik
ka nanaman sa bahay at bumalik nanaman sa ospital..ano ba!
-----------------------------
umulan kanina..di ko namalayan..
pano nasa loob ng ospital..
pero paglabas namin basa ang palagid..
malamig..
maraming naglalabing labing..
damn umulan nga--
weeeeeeirdoooh..bihirang umulan sa marso..pero umulan..
kasabay ng ulan ng utak ko..
ikaw..kilala mo kung sino ka..muka kang tae..tigil tigilan mo ang kaartehan mo..tigil tigilan mo ang pambabara..ang panggagago..ang panlalait..ang pagtawa sa mga ginagawa ko.. tigil tigilan mo yan..
kapag may nakakairitang tao..iniisip ko na wala sya..wala syang espasyo sa mundo..hindi ko sya kilala..
how can i hate you..you don't even exist!
last day na ng duty namin sa neonatal intensive care kanina..
kay Mrs. Ma. Angeline Torres
paano na lang kami kung wala ka..


sasasadam hussein


Saturday, March 03, 2007

sa kalagitnaan ng pagtatapang tapangan..
at pagsasabi ng welcome karma..
iniisip ko din pucha wag na sana..
o kala ko ba matapang ka?
ano?
ano?
ano?
e wala akong magagawa ikaw ang kahinaan ko..
sa kalagitnaan ng pagsasabing wala akong pinagsisisihan
ibubulong mo din pala pucha sana wala akong toyo nung mga panahon na yon
sa kalagitnaan ng pagkakasakal
pucha ikaw pa rin ang kalayaan ko..
--------------------------------------
malapit ng matapos ang mga araw namin sa neonatal intensive care unit..
tapos na pagiinjection ng vitamin k
paglalagay ng credes prophyllaxis (na hanggang ngayon di ko pa din alam spelling ng prophyllaxis kugn double "L" o single)
suctioningbottlefeedingkargapapaligopagbibihispalitlampinlumpialumpialumpia
namimiss ko na si baby lumpia!

--------------------------------
he loves to sing kundiman men..




wala sa itsura..


wala sa amoy..


ni wala sa guni guni na mahilig sa kundiman tong si amiritot..


kapag sasabihin kong kantahan mo naman ako..


nabuburaot ako kapag kinakantahan nya ko ng kung anu-ano


gusto ko yung kundiman na turo mo..yung tungkol sa paraluman..
BOONANANGERS:

DON AMIR DE MARCO

------------------------------------


sasasadam hussein


Friday, March 02, 2007

usapang YM!
bolahan..bolahan
bakit tayo binobola nun?
ewan ko..dyan..
shet kala nya maniniwala tayo?
ahahaha siguro nga..
ano gagawin mo?
bobolahin ko din..
haaahahahah di nga?
oo noh! di porket babae tayo iisipin nila madali tayong bolahin!mas madali silang bolahin kase lumalaki ulo nila..
hahahaha..
hoi gagu yung ulo nila hindi yang kung anu-ano iniisip mo!
oo alam ko!
di nga akala nya talaga maniniwala tayo sa kanya noh?!
oo nga shet..masyado syang maganda magsalita dude..
de pare mas maganda tayong magsalita..
muka syang gago!
akala nya magmumuka tayong gago!!
bolahin nya muka nya..
arrrgh!
ikaw magaling ka ba mambola..?
naman! tsong..naman!!!
sama mo!
tae kung bobolahin mo ko e maggaguhan tayo..pero kung sincere pucha mas sincere ako..
e sino pinapatamaan natin..
e di sya--
hahahahhahha!
apir!
apir!


sasasadam hussein



daig pa namin yung pelikulang Harold and Kumar Go to White Castle..

ibang version yung samin..

ROCELLE AND CARLA GOES TO DON GALO

nagkukwentuhan lang kame..
ganito..

manganganak na kaya yun..
oo butas na palatubigan
hintay na lang tayo dito
orayt
naiimagine ko na yung gravy sa chicken house
ako naman ung tapsi sa goodah
yung shake sa steps
anong shake?
chocobanana..sarap nun
kain tayo goodah
mas masarap sa don galo pramis
san yun?
dyan lang sa bf..
sige kain tayo dun
sige
tapos bili tayong chocobanana
sige
shet gutom na gutom na ko
kain na tayo
pano yung pasyente naten mangangak na
mamaya pa ata yun 5cm pa lang
paalam tau kay mam
cge..
gravy
tapsi
shake..

pinayagan kaming kumain..

paglabas namin ng ospital..
dito na tayo tumawid
di na tayo aakyat overpass
hindi
tawid
wag
game
teka
shet gutom na ko tawid na
wag
game
teka
arrrgh
sige akyat na lang tayo overpass
shet ang init
may payong ako
bilis
ay wala pala naiwan ko
takbo
wag
bakit?
wala na kong lakas gutom ako
sasakay tayong tricycle?
hindi
bakit?
malapit lang naman
tabi
bakit?
masasagasaan ka tange
lakad
di ba dun na yun?
di pa..
saan
dun pa..
tawid
teka
game
shet
takbo
huy bakit ka tumatakbo wala namang sasakyan?
mainit eh takbo
di ko kaya gutom na ko
dito na tayo
game
ate isang value meal na tapsi
ako po yung regular na tapsi
----after 10 minutes---
alam na!
infairness sarap nga ng tapsi..

pagkatapos kumain:
nanganak na kaya yung pasyente natin?
dalian natin pare
takbo
wag busog ako..


sasasadam hussein


Thursday, March 01, 2007

matutulog na ko nun habang nakikinig ng giniling festival..inaantok antok na ko..pero bigla akong natawa sa lyrics ng isa nilang kanta:


payag ka girlfriend mo si angelina jolie
pero ulo mo munggo...
payag ka girlfriend mo si angelina jolie
pero tae mo bato..
payag ka girlfriend mo si angelina jolie
pero wiwi mo may blade..
----------------------------------------
nagbihihis ako..ready na para pumasok pero narinig ko tong kantang to..gusto kong murahin si ebe dancel dahil ang korni pero pucha---
para sa lahat ng nagpapakahirap sa ibang bansa..lalo na kay kuya jp at kuya bok..pag uwi nyo dito kuya jp sayo na yung stuff toy na lagi mong pinaglalaruan o kung gusto mo lahat sayo na at kuya bok ibabalik ko na ang kwarto mo kung gusto mo pati kwarto ko sayo na..umuwi lang kayo.. :-(
Dear kuya, kumusta ka na dyan?
Anong balita, malamig ba dyan?
Dito mainit pero kung bumagyo,
para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang subukan ang swerte,
at abutin ang yong mga pangarap
Sa ibang bansa kung saan ikaw ay laging mag-isa
kami tuloy dito, nag-aalala
[chorus]Nasan ka man ngayon,
ano mang oras na ika’y may kailangan,
tawag ka lang sa amin at parang nandito ka na rin
Oo nga pala,
kung nasayo pa ang checkered na polo ko,
sa yo na yan.
Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan
dahil balita komahal daw ang sine dyan
Dambuha daw mga pinapakain dyan tataba ka malamang.
Miss mo bang magtagalog?
Kuya pag may kumausap sayo galingan mong mag-ingles,
galingan mo kuya
[chorus ulit tapos]
Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy
sulat ka palagi.Miss ka namin,
pati nga kapitbahay nagtatanong san ka raw nagpunta?
san ka raw nagpunta?
Nasan ka na…Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

-------------------------------------


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/