Saturday, February 17, 2007

libertad...baw..



(hindi yung lugar ha..game ulit..)



libertad..baw!





libertad..



bakit may bayad?



saan na nga ba napadpad?



bakit di umuusad?



ako nga ba ang sawing palad?



sadyang hindi na yata lilipad..



sa paglayang ubod kupad



hindi iiwan ang bayang hubad..








libertad..ang tula ni rocelle baw!
inperness paa ko yan..

i like this shot..tagay!

inaatake nanaman ako..disorriented nanaman..feeling ko halo halong mental disorder na ang na saken..salamat na din sa aking psychologist slash pinsan na si leah at si bokers para sabihin saken na normal pa naman ako..narinig ko nanaman ang term na profound tagal ko ng di naririnig yun..wala..wala nman..



ikaw ay nagdaramdam


puso ay nagdurugo


hindi mo yata alam kung san ka patungo



ang dami daming sayang..sayang..sayang..ngayon ang tumatakbo tuloy sa utak ko.."ano kayang nangyari kung--" "malay mo---"alangya! minsan parang nababaliw na ko....parang nawawalan ako ng purpose..mahirap kase kung yung purpose ko ay ipagpipilitan ko lang sa utak ko..pano kung hindi kayang tanggapin ng isip ko..pucha..


--------------




natapos na ang duty namin sa community..akalain mo yun..gumawa kami ng basurahan..nagpintura..nagstencil..gumawa ng slogan..nagkabit ng slogan..halos araw araw health teaching..pakain..nagtimbang ng mga bata..nag interbyu..nag-bp sa mga matatanda..bahay bahay..nangitim na kami parepareho..naubusan ng pera..at--nag-enjoy yipeeee..





--------------


ikaw ay nawawala


minsan ay nawawalan


di ka naniniwala


puno ng alinlangan



disorriented..disorriented..disorriented..



--------------


on valentines..






pumunta akong la salle nung balentayns..feb. 14 kase ako pinapabalik para kunin yung transcript ko..habang pinupuno yung fx na nasakyan ko..may pulis na may bitbit ng isang bouquet ng roses..hahaha naastigan ako..pucha sanay ako na ang pulis ay may bitbit na batuta at hindi bulaklak..pati yung katabi kong pasahero may hawak na tatlong rosas..nung umandar na yung fx tumingin ako sa bintana, sa bandang admiral nakita ko yung kaklase ko pumasok sa flower shop.. hahahaha..natawa ako..pucha binata na..magbibigay na ng bulaklak, samantalang dati puro dota lang ang alam.. pagdating ko sa la salle..ang dami daming babaeng may hawak na bulaklak..astig astig..naalala ko tuloy four years ago, balentayns, merong program sa la salle..may tugtugan..booths..fair..basta masaya yun..pero ako ay nasa loob ng isang classroom at nagsusulat sa creative writing workshop.. pero yun ang isa sa pinakamasayang balentayns..akalain mo habang nagdedeyt ang iba at labing labing sa labas kami naman ay tinuturuan ni lourd kung pano ilalabas ang mga kapasidad sa pagsusulat.. inperness madami akong natutunan sa workshop na yun..at ngayon after four years..balentayns, kinukuha ko na ang transcript ko.. nung pauwi na ko ganon pa din..daming babaeng may hawak na stuff toys at plawers..hindi ako mahilig sa mga ganon pero natutuwa ako kapag binibigyan ako ng plawers..ganon naman talaga ang mga babae..iba pa rin ang pakiramdam kapag binigyan ng bulaklak..parang monumento hanggang las pinas ang haba ng buhok..at pag uwi ko, hindi bulaklak ang dala ko..binigyan ako ni amir ng kwintas na gawa ng gusto naming artist..thanks abdullatif kahit nga sa pagtulog suot ko pa din yung kwintas..at ang hair ko ngayon ay mula batanes hanggang estados unidos.. +kilig mode+..





pag uwi ko ng bahay nandun ang da vino car movie makers..may chicken lollipop..cake..barbeque at merong jake na nagpakalbo dahil depressed..at sabayan pa ni leah sa cake:

---------------------------


ikaw ay nanliliit..

ligtas ka ba sa rehas..

bakit ka nakapiit..

bakit ka tumatakas..


profound..mahirap dito..walang kalayaan dito..aabusuhin ka ng mga tao dito..lahat ng mga taong gusto mong iangat ay sya ring magpapabaksak sayo..wala kang kakampi dito..


----------------------


you!beach!









silver anniversary ni mama at papa..masarap mamangka..astig ang lalakas ng alon..nabasa ang celpon ni leah..basang basa ang sapatos ni patrick (na hindi ko naman alam kung bakit sya nakasapatos e nasa dagat) at nabasa ang cam ko..tae..rapsa..pero nung tumindi ang sikat ng araw..arrrgh balik na tayo sa pangpang..

singleness?




tektekness..


-----------------------


ikaw ay natatakot


parang walang hangganan


ang kirot ng bangungot


di mo makalimutan..


nababaliw na nga talaga ako..hindi..seryoso..o siguro madami lang talaga akong iniisip na mga bagay bagay at dun lumalabas lahat ng depekto ko..ang paa ko ay nasa lupa pa..ang utak ko ay nasa ulo ko pa..hindi pa ko baliw..hindi paaaaaaah..


ano ba ang epekto..


kung meron kang depekto..


sabi nga ni dong abay..


wala..wala naman..


wala namang perpektong tao..


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/