Monday, February 19, 2007

baduy ako..baduy ako..baduy ako..



enoh ngayon? ukinam!



ganito yon..isosoli namin yung overhead projector at yung amplifier sa media room..kaya lang ayaw kaming padaanin kase may nag-shoo-shooting daw..



sino nanamang nagshoshooting..pucha..kelangan pang umikot para lang magsoli ng gamit sa media room..ukinam..umikot ako..tae..nakita ko si bobby andrews..hindi ako miyembro ng bobby-angelu fansclub pero inperness gwaping naman pala si bobby..yuhuuu..pero kiber..derecho lang ako..ng masoli ko na ang mga bagay bagay..eto ang konbersasyon:



jane: si claudine pala yun

ako: sino?

jane: si claudine

ako: si claudine baretto..asan? asan?

jane: fan ka?

ako: oo..tae fan ako..bakit baduy ba?

jane: hehehe

ako: o cge na babay

jane: san ka punta

ako: pupuntahan ko si claudine..



mahilig ako sa pinoy movies..pero yung nakakabagbag damdaming movies ha..ayoko ng love team na ungas..ayoko ng pelikulang tae..ayoko ng mga artistang hindi marunong umarte..pak yu! pero gusto ko si claudine..kase gusto ko sya sa "ang tv..okidokidok..home along da riles..anak..milan.." at madami pang iba.. so muka man akong gago e dumerederecho ako..sabi kase nasa gilid daw sya..so pumunta ako sa gilid..wala naman..lakad ulit..wala naman..balik ulit..waaaaaaaaah nasan si claudine..tapos nakita ko yung babaeng nakaupo..mataba..maliit..mas maliit pa saken--claudine?? hindi na ko nakalapit kase bigla syang tumayo..kukuhanan na yata sya ng susunod na eksena..tapos biglang nagsigawan ang mga tao..aba..dumating si piolo..at hindi ako fan ni piolo..kaya umuwi na ko..



si claudine pa lang yun ha..pano kaya kung si dong abay..last year hindi ko sya naabutan..kasama niya yung mga tropa ni amir sa dakila..pagdating namin nakaalis na daw si dong abay..pero pano nga kaya no? oo nakita ko na syang magperform..pero pano kung makasalamuha ko talaga idolo ko? pano kaya approach ko sa kanya?

hmm ganito:



"OMG IKAW BA YAN DONG ABAY?" sabay abot ng kamay para shake hands..

-hmmm muka akong gago..fan na fan ang dating..mali!

"UY DONG ABAY..KMSTA?" sabay apir..

-masyadong kaswal..feeling close!

"HELLO PO KUYA DONG.." sabay hawi ng buhok sa tenga

-pa-cute..parang highschool tae..

NGINGITI..hindi magsasalita

-hindi pwede..sayang ang pagkakataong makausap sya..



arrrrrrrrrgh bahala na..



nadedepress ako..bakit ako nadedepress?..hindi ko alam..ang tanging alam ko eh nalulungkot ako..tapos may naalala ako habang nagrereview kanina:



tapos...napangiti na ko..


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/