babae nga ako..
tae to sila oyap parang di makapaniwala..
di ako tibo..
di ako lesbian..
di ako bisexual (oooops not sure pa yan..)
pero babae ako..
ako: nood tayo rome and juliet..
carla: sino bida dun?
ako: si mylene dizon tsaka si andrea del rosario..mag on sila dun..
carla: ah papanoorin mo nanaman istorya ng buhay mo..
ako: gagu!
speaking of babae..sa neonatal intensive care unit kami ngayon nagdu-duty.. sa mga bagong panganak at delikadong babies..at syempre karugtong na nun ang delivery room..kahapon parang teleserye ang eksena sa delivery room..pano ang drama nung nanganganak..
sabi nung babae:
waaaaaaaaaaaaaaaaah doc ayoko na........
aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah tama na po..tama na po..
tapos kakapit sa kung anong pwedeng kapitan
arrrrrrrraaaaaaaaaaaaaaaaaaay tama na po
ayoko na po manganak.....
hahagulgol..
iiyak..
araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay
tama na.........
waaaaaaaaaaaah ang sakit..
tatlong oras syang sumisigaw..sakit na sakit sa panganganak..ang tagal bago lumabas ang baby..di ko alam kung maaawa ako o matatawa.. ganyan naman talaga mga eksena sa delivery room pero ang masaklap yung nangyari nung isang gabi..ng lumabas ang baby..tumigil ang tibok ng puso ng nanay..
nirevive..
at ngayon nasa ICU sya..di pa nagigising..di pa nya nakikita yung baby nya..
minsan nakakapanghina din yung pupunta ka sa ward..tapos tatanungin mo "nasan po ang asawa ni mrs?" at ang isasagot sayo ng mga kamaganak.. "wala eh..iniwan sya ng asawa nya..tumakas sa responsibilidad.."
isang malutong na putang ina mo! kung alam mo lang kung gano nahirapan ang asawa mo sa panganganak..kung alam mo lang na wala syang makapitan..kung alam mo lang kung ilang beses nyang isinigaw na hindi na nya kaya..isa pa ulit putang ina mo..
naisip ko..dapat lalaki na lang ang nagbubuntis at nanganganak..
di ba sabi nila..this is a man's world..di ba ang apelyido ng mga bata ay kinukuha sa tatay at hindi sa nanay..e yun naman pala..e di kayo na magbuntis..bilis..ano kaya itsura ng lalaking buntis? ang mga lalaking mahilig sa katawang katrina halili at hindi na magawang tignan ang mga asawang tumaba na nanay na nanay na ang dating..losyang at di namakapag-ayos..panahon na para mga lalaki naman ang tataba..sila ang mangingitim ang leeg..sila ang lalaki ang ilong..mamanas ang legs..lalawlaw ang dede nila..magkakaroon ng mga kamot..magsusuka..mahihilo..ano nga kaya kung lalaki ang manganak..hihilab ang tiyan..mapupunit ang mga etits nila..tapos hihiwain..di ba sabi nila mas malakas ang mga lalaki sa babae..o e di dapat sila ang nakararanas lahat ng yun..hayaan mo nga silang maging balyena..pucha sana nga noh..pero sa totoo lang..someday..kapag nag-asawa na ako gusto ko din manganak..kahit na alam ko at nasaksihan ko na kung gano kasakit ito..sabi ko nga kay veluz kapag nanganak ako gusto ko walang anesthesia..para maramdaman ko ang bawat kirot..siguro swerte din tayong mga babae dahil tayo ang nanganganak..nagkakaroon ng silbi ang bawat parte ng katawan natin..sa pagbibigay ng buhay..isang napakalaking fulfillment..at sa isang tulad ko na laging naghahanap at nagtatanong kung bakit ako nabubuhay..kung ano ang purpose ko..well..wala ng katumbas pa ang magpalaki ng bata sa loob ng tyan ko..tyan ko yun..akin yun..akin dude..akin..makukuha nyo ang apelyido..pero dude..saken nanggaling..
--------------------------------

hahaha..ano yan miggy?
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya