old skul
carla: ano na nga yung mga lumang palabas dati?
veluz: bioman..
ako: oo nga pucha inaabangan ko yan..ako si pink five..
jane: e yung may takure?
carla: time quest..favorite
veluz: oo nga
ako: dude ano ba yun..yung tuwing hapon..caliente ba yun?
carla: ahahhaha valiente
jane: waaaaaaaaaaaah valiente
ako: di ba may kanta pa yan..valieeeeeeeeeeeenteeeeeeeeeeh
veluz: hahahahahahaha..
carla: e yung kay hellen bela
ako: wahahahah lovingly yours
carla: hahahahah
veluz: e yung five man?
ako: dude 1985 kami pinanganak hindi 1978 di namin alam yan
veluz: sira meron nun
carla: di namin alam yun
jane: e yung kay val sotto?
ako: ahhaahahaha agila
carla: ahahahaha
ako: si val sotto bigote
veluz: ultraman..mask rider black
ako: yeah boknoy the fighting boy
carla: shaider
ako: waw si annie
carla: e yung love bus naabutan nyo?
-----------------------------------
kagabi napagalitan ako..ang gulo kase ng kwarto ko..para saken maayos naman..pero magulo daw..bakit ba ko ganito? siguro nung past life ko lalaki ako. ni hindi ako marunong mag-pony tail ng maayos..napakadaming simpleng bagay na hindi ko magawa ng maayos. hindi ako proud sa ganitong uri ng pamumuhay..syempre kababae kong tao para akong tungaw. pero hindi ko rin naman kinakahiya. ang utak ko kasinggulo ng kwarto ko.. hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang sarili ko. hanggang ngayon nabubuo pa din ang tanong na "ganito ba talaga ako" at "bakit ako ganito?".. hanggang ngayon madami pa ding nagtatanong.. hanggang ngayon madami pa ring nagle-label. akala kase nila natutuwa ako kapag binibigyan nila ako ng label.. pero hindi.. mas mabuti ng hindi nila ako maintindihan kaysa ipagpilitan nilang maunawaan pa. akala nila natutuwa ako kapag iniiba nila ang sarili nila saken. akala nila wala akong pananampalataya dahil wala akong relihiyon. akala nila na parang ang buhay ko ay naging buhay nila. akala nila hanggang dito lang. hindi kase ako mahilig magpaliwanag. hindi kase ako mahilig dumaldal ng prinsipyo't pananaw. dahil pano ako magpapaliwanag hanggang ngayon naghahanap pa din ako ng aking sarili. maaring mailahad ko paunti unti ang aking pagkatao..maaring magsalita ako tungkol sa pinapangarap at inaasam..pero napakadaming hindi ko pa din maipaliwanag.. di kayang usalin ng aking labi ang mga bagay bagay para maintindihan nila. pero wag naman sanang gawing katatawanan ang aking buhay. sabi nga nila napakadaling husgahan ang mga bagay na hindi natin nauunawan. sa ilalim ng sikatan ng araw..pare-pareho lng naman tayo. hindi ko kayo naiintindihan..minsan wala akong maintindihan..kase hindi ko naging buhay ang buhay mo..maaring maramdaman kita pero hindi kasing lalim..dahil ang buhay mo ay hindi ko naman buhay. ang sakit mo ay di ko naman sakit..pero minsan mas masarap pa din pakinggan "di mo ko kailangang paliwanagan. hayaan mo, mauunawaan din kita."
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya