Sunday, January 14, 2007

kagabi galing akong bundok..nang makarating sa cubao sumakay ng MRT. pila pa lang trenta minutos na ata ang kinain sa oras ko. matapos pumila ilang minuto rin ang aatayin para sa pagdating ng tren. at dahil sa sobrang dami ng tao hindi ako nakasakay sa unang tren na dumaan. kanina pa ko naghihintay tapos hindi rin pala ako kasya. buti pa yung mga kadarating lang e hanep sa paniningit at pambabangga. wala kaseng pakundangan sa mga matatanda. sa pangalawang tren naswertehang nakapasok ako samantalang ang mga kasabayan ko ay hindi na kasya. masakit na masakit na ang tuhod ko kse nga galing akong bundok at lalong sumakit dahil nakatayo nanaman ako sa MRT. yung katabi kong nakatayo ay tingin ng tingin sa mga lalaking nakaupo..siguro gusto nyang konsensyahin yung mga lalaki para paupuin sya. ganon naman talaga..dapat paupuin ang mga babae. pero hindi ako kumporme sa ideyang ganon. gusto kong sigawan yung katabi kong babae para tigilan na nya ang pangongonsensya sa mga lalaki para paupuin sya. gusto kong sabihin na "hayaan mo sila..sa ginagawa mo pinapakita mo lang na mahina ka..pinapatunayan mo lang na ang babae dapat paupuin dahil nga weaker sex tayo.." yan mismo ang gusto kong sbihin.
mars versus venus
hindi ako nakikiayon sa usapang sino ang mas malakas lalaki o babae. syempre sasabihin ng mga babae mas malakas kame kase nga babae kame..ganon din naman ang mga lalake. sa ibang aspeto mas malakas nga naman talaga ang mga lalake. sa ibang aspeto mas malakas naman ang mga babae. may kanya-kanya ring kahinaan. pero ang ibang kababaihan ay mukang enjoy na enjoy na patunayang mahina kami.. tae.. hindi porket babae tayo hindi natin kayang tumayo sa MRT bobo!!
ayun nga..puno na nga ang tren yung iba nagpupumilit pang pumasok kaya hindi tuloy nagsasara yung pinto lalo tuloy natatagalan. porti payb minutes din ata ang biyahe mula cubao hanggang taft. ang haba din ng pila sa exit. sasakay sana ako ng jeep papuntang baclaran kase doon ang sakayan papuntang bahay kaya lang hindi gumagalaw ang mga jeep kase nga may pyrolympics sa mall of asia kaya naglakad na lang ako. ang bata bata ko pa pero pakiramdam ko inaatake na ako ng rayuma, pano ang sakit sakit na talaga ng binti ko dahil nga buong araw akong naglalakad at nakatayo. bumili ako ng buko juice..hanep small size 18 pesos na. at tsaka choco frosted sa dunkin donuts..kaya habang naglalakad ako kumakain ako. di ko na rin naramdaman ang pagod kase nakikita ko din ang mga payrworks. ganda talaga. parang talang kumukutikutitap o bulalakaw na bumubulalas sa himpapawid..sa harap mismo ng iyong mga mata. lakad lakad. daming tao. sumasakit pa din ang binti ko. parang nakarinig ako ng langit ng may sumigas ng aaaaaaaahlaaaaaaaaaaaaabaaaaaaaaaang... zaaaaaapoooooteeeeeeeeeeeh!..
kaya ayun sumakay na ko ng jeep. matrapik. iniisip ko kinabusan maaga pa ako 7:30am kami magmemeet kase may health teaching kame sa community. arrrgh.. pag-uwi ko ng bahay maglalaba pa ako. tae! sa ganitong mga pagkakataon mo sana kailangan ng mga superheroes. yung tipong ililipad ka nila hanggang sa bahay nyo para di ka na ma-hasel sa trapik. o through their super powers tatanggalin nila yung sakit ng binti at ulo ko pati na rin lahat ng iniisip ko. 10pm ng makarating ako sa bahay. naglaba. nag-ayos ng kwarto. naligo. handa ng matulog. at kapag reding-redi ka na matulog dun mo mare-realize na hindi mo kailangan ng mga superheroes..kase inatake man ng rayuma..o nabunggo bunggo ng mga taong sumisingit..maglakad ng ilang kilometro at maipit sa trapik..babae ako..kayang kaya lahat ng hasel.. minsan nga hindi na kaya pero kakayanin pa din. hindi ko kailangan ng superheroes kase i am necessarily the hero of my own life story.


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/