community assembly kanina..
sa muslim community kami naka-assign. ang designated task ko ay sa raffle.. nagkaroon kase kami ng pa-raffle para sa mga aattend ng community assembly. so nung bumunot sila ng winner..ako mag-aabot ng prize.. tapos nung tinawag na yung winner..nakipag-shake hands ako dun sa nanalo at sabi ko "congrats po.." . pagkatapos nung nagpuntahan sa gilid yung mga kaklase ko sabi nila bawal yun..bawal yun..bawal ang alin..bawal makipagkamay sa mga muslim..
bawal ba? e bakit nung napanood ko si saddam sa tv nakikipagshake hands naman sya kahit hindi muslim yung kausap nya? hindi naman ata bawal..pero kung sakaling bawal man..naiintindihan naman siguro ako ni Allah..
pero feeling ko hindi talaga bawal..
mahirap magpalaki ng magulang..
tatlong pila lang po tayo..pero parang sampung linya ata ang nakikita ko..yung mga hindi kasali biglang naging kasali..yung iba iuuwi ang pagkain para sa mga kamag-anak nila..e sakto lang naman ang dala naming pagkain..paano naman ang iba?..paano yung mga nakinig talaga sa assembly..naunahan pa ng mga napadaan lang..
malapit na naman ba ang eleksyon?
pers taym kong bumoto nung 2004..punyeta pinapanalangin ko na sana wag mabura yung tinta sa kuko ko..yeah botante na ko..tao na ko..pero ngayon hindi na ako naniniwala sa eleksyon..napakadaling mandaya..napakadaling manlinlang ng mga tao..sa likod ng mga matitikas at matatalinong muka..wala naman..wala namang nagmamahal at nais maglingkod sa bayan.. wala na..di na ko naniniwala..tayong mga Pilipino mahilig sa matatalino..kaya nga siguro si Rizal ang naging pambansang bayani natin..kase sya nakapag-aral..mautak.. hindi kagaya ni bonifacio..ano bang alam natin sa kanya maliban sa nagbebenta sya ng abaniko.. buti pa nga si Rizal matatanggap ko pa na ang pumatay sa kanya ay mga kastila..hindi kalahi..pero kay bonifacio..kapwa Pilipino..ano nanaman ba..nagsesenti na naman ako..pasensya na idol ko si bonifacio..pero ayun nga..mahilig tayo sa matatalino..sila na pinaniniwalaan nating magpapalaya sa bayan..pero sa bandang huli..sila mismo nambaboy ng batas..at hindi na ako mabibigla kung magiging malaya pa kaysa akin si smith..wag na tayong lahat bumoto..boycot ang eleksyon..
kung gusto mo akong sigawan..bakit hindi mo subukan..lalo lang kayong hindi maiintindihan..
hay nako..wag kang magshe-shades kahit gano nasisilaw ang mata mo sa ilalim ng sikatan ng araw dahil sisigawan ka..
wag kang magsusuot ng sumbrero kahit na init na init na kukote mo..kundi sisigawan ka..
wag ka kakain ng kendi kahit na hilong hilo ka na..kase sisigawan ka..
bawal kase bawal..
bawal isulat ang pangalan nya dito baka mapadaan sya..sisigawan nya ko..
may taong may dala-dalang martilyong ipupukpok nya sa sariling ulo mamaya