Wednesday, January 10, 2007

+nagpost ako kahapon pero naputol kaya eto na ang full edition..

7 am ang klase ako. Kakaiba ang araw na ‘to. Infairness hindi ako late ng 30 minutes o one hour..kundi late ako ng 3 hours. Yes.. 10am na ako pumasok.

mga pausong posing

Pagkatapos ng eskwela nabasa-basa kami sa powerbooks. Si amir nagbabasa ng libro tungkol sa minimal art..nais nya kasing lumawak ang kanyang kaalaman sa sining.. at ako naman nagbasa ng fhm kase nais kong lumawak ang kaalaman ko tungkol kay Katrina halili. Ang sexy nya noh? Pero nagsawa na rin ako katititig sa mga letrato nya kaya binasa ko na yung GAPO (isang puting pinoy sa mundo ng mga amerikanong kulay brown) ni lualhati bautista. Bata pa ko nung mabasa ko yung nobela at ngayon ko na lang inulit. Siguro 12 years old ako nung unang beses kong mabasa yun. At kanina habang binabasa ko ulit..feeling ko ako si Andres bonifacio na binabasa ang libro ni rizal..umuusok ang ilong sa mga mapang-aping banyaga.. yun nga lang magkaibang version. Yung kay rizal ay oldschool na pang-aapi ngunit yung kay bautista e modernisadong pang-aapi. Yeah..


masdan mo ang mga bata..



nung isang araw nagpunta dito ang mga pinsan kong maliliit..naglaro kami sa labas..

jofran: laro tayo ng anghang tubig
sila: cge cge
ako: teka ano yun?

jofran: +inexplain yung laro+
para pala syang mataya-taya na modern version. nang mapagod kame..
clang: ibang laro naman
janjan: cge base base naman
sila: cge cge
ako: teka ano namang larong yan ?
janjan: parang tagu-taguan pero hindi mo na kailangang magsave sa base kundi hahawak ka na lang sa tiyan mo..
ako: ah ok

hanep ah naiba na talaga ang version ng mga laro. at nang mapagod.
jofran: ibang laro naman
ako: sige shake shake shampoo naman
sila: ano yun?
ako: hindi nyo alam yun..ang ganda kaya ng larong yun..cge monkey monkey anabel na lang
clang: ano yun ate?
ako: hindi nyo rin alam yun?
sila: hindi
ako: cge pepsi 7 up na lang tayo
sila: ano yun?
grabe..hindi nila alam yung mga larong kinalakihan ko..tae matanda na ba ko.. shet 5 years old..10 years old ang mga kalaro ko..at ako beinte una na ko..shet!

ako: higa tayong lahat sa damo
janjan: wag madumi jan
ako: kapag hindi ka humiga sa damo bubugbugin ka namin..


ako ang pinakadambuhala dito

hannah ang bunso

hannah and celes (mini me)

with my mom

muka silang mga anghel pero sa totoo lang..hay ang gugulo nyang mga yan.. hindi yung typical na gulo ha..suntukan ang paborito nilang past time lalong lalo na si catherine...wag kang haharang harang sa daanan nyan at susuntukin ka nyan sa tenga..wag kang mahihiga sa lapag at sisipain nya ang tiyan mo.. ang iba naman ganon din..yan ang mga batang hinding hindi mo mauuto.. akala mo lang naloloko mo sila pero hindi pala. mapapaniwala sila saglit sa mga magic pero mayamaya mafi-figure out din nila kung pano nangyari yun. syempre kanino pa ba magmamana? nung umuwi sila..dalawang baso ang nabasag..ilang beses nahulog ang mga telepono't remote control..nasira ang computer chair..at higit sa lahat naubos ang load ni mama..nagtatawag ang mga bata gamit ang cp ni mama..

berdugo station

berdugo station

ako: anong station daw?

sya: ortigas station

ako: bakit pagkakarinig ko berdugo station?

at dumerecho na kaming exhibit..

new bestfriend..

meron dalang kyut na kyut na pit bull si papa.. nag isip kagad ako ng pangalan..gusto ko yung bagay na bagay sa kanya.. kaya pinangalanan ko syang hussein..

nilalamig si hussein

ako: ma..pahingi nga tela kukumutan ko lang si hussein

mama: ayan o yang tshirt na yan..

tapos kinumutan ko na si hussein at natulog naman sya kagad..maya maya nakita ni papa

papa: (galit) bakit mo kinumutan yan?

ako: e nilalamig sya eh

papa: e bakit yang puting tshirt yang pinangkumot mo?

ako: e wala ng iba

papa: ah ok.. teka.............kaninong tshirt yan?..

ako: sayo..

+at napagalitan na ako+

estudyante blues

tinatamad pa ko. ang bilis kase ng panahon di ko naramdaman ang bakasyon kaya torete pa ang utak ko. bukas community assembly na..arrrrrrrgh!


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/