Wednesday, December 27, 2006

"kuhanan mo namn ako ng piktyur na muka akong pulubi.."
at ayan na nga yang piktyur na yun..hindi ako mukang pulubi..muka akong lasing..bangag..muka akong humithit ng isang katerbang katol..hanaknang!! hindi..kulang lang ako sa props at sa costume..hehehehe..

kirara..
first time kong kumanta sa school nung first year highschool..tae yun..dapat ost ng foreign films ang pwedeng kantahin..its my turn ni diana ross (tama ba spelling) yung kinanta ko..feel na feel ko yung kanta kase kinanta yan ni sharon cuneta sa bitwing walang ningning..nung elimination 3rd place ako (buong 1st year).. pero nung grand showdown ng buong year..pumiyok ako..baw.. simula nun nagkaron ako ng stage fright.. hahahah ang arte ko.. pero totoo.. hindi halata..kase nilalakasan ko lang yung loob ko..ngayon ko lang sasabihin pero isa sa pinakanakakairitang feeling e pumunta sa stage at kumanta..bumabawi na lang ako sa tawa na kunwari ayus lang..nung nagkaroon ako ng banda hindi ko yun sinabi..kase ayus lang naman..bakit naman ako magpapatalo sa isang karanasan nung bata ako..pero sa totoo lang iba ang impak ng mga ganong bagay..buti na lang talaga makapal ang muka ko kase..sa kalagitnaan ng kanta marerealize mo na hindi ka pumipiyok..at mukang hindi ka na pipiyok..at makakalimutan mo na pumiyok ka nung bata ka at lilipad sa hampas ng mga paborito mong kanta..at masarap kumanta kagabi..

dapat mamimirata kami sa recto pero nagpunta kami sa art gallery.. binasa ko yung nakasulat dun sa wall..sabi ni arturo luz (national artist) maraming artist na hindi umaamin na naimpluwensyahan sila ng ibang artist.. pansin ko nga.. well kahit ako eh.. so feeling ko artist ako..naks.. hindi! ibig kong sabihin kahit sa simpleng pang-araw araw na pamumuhay.. ayokong sabihin na naimpluwensyahan ako ni mang totoy kaya mas gusto kong kulot ang buhok.. naimpluwensyahan ako ni ganito kaya ganito..naalala ko tuloy nung pers yir college..wala kaming ibang alam gawin ni leah kundi magpa-pierce..sabi nila "nagkakaimpluwensyahan daw kaming dalawa".. which is hindi naman..may mga bagay akong ginagawa na feeling ng iba ay naimpluwensyahan ako pero hindi..may sarili akong rason o kung minsan wala lang talagang rason.. pero may mga pagkakataon naman na naiimpluwensyahan talaga ako..pero mas gusto kong gamitin yung term na inspire.. parang ganito inspired by dong abay hindi influenced by dong abay.. pero kung tatanungin ako kung anong sukatan ng pagiging epektibo mong artist..masasabi ko na naging epektibo ka talaga kapag nakaimpluwensya ka ng iba..and i have to admit..maraming maraming tao ang nakaimpluwensya sa akin..

may nagtanong kung magpinsan daw ba kami ni amir.. muka ba kaming magpinsan?


weirdest lines..

may mga taong hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga pinagsasasabi:

"kung hindi isa sa inyo..isa sa inyo"

"sinong magsasabi na ako'y mangmang?"

"ikulot mo din ako..kahit yung bangs ko lang.."

"patingkiwingki.."

"siguro gawa sa ulap yang muka mo.."

"siguro binayaran mo yung prof naten noh.."

"hindi ka tanga kaya wag kang magtanga-tangahan..tanga!"

"kaya hindi umuunlad ang pilipinas kase late ka.."

"minsan tol astig ka.."

"gago talaga si rocelle..ay sori tol andyan ka pala"

weirdooooooo kase habang sinasabi nila yan..seryosong seryoso yung mga muka nila..amp!

may nagkwento saken (at obvious naman kung sinong magkukwento nito) nung bata ako ako daw si darna at naniwala naman ako..kaya minsan tuloy napapanaginipan ko na ako nga yun..tae..

napanood ko na yung trailer ng spiderman.. oo ako si mary jane.. wala lang..wala lang..wala lang..

di kame makauwi ang tagal ng sasakyan..actually walang dumadaang sasakyan..tignan mo:

diana chubiri..


at nang makauwi kame sa bahay..sabi ni mama..anong nangyare sa ihip ng hangin at hindi na long hair si amir..heheheeh..


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/