Monday, December 18, 2006




black out..brown out...

nasa CR ako pero rinig na rinig ko pa rin ang boses ni mama kahit nasa labas sya ng bahay..madaming kapitbahay ang nakatambay sa labas palibhasa brown out..

tita imee: nasan si neneng?
mama: (sumigaw) ayun tumatae

may mga tumawa..so narinig ng mga kapitbahay na tumatae ako..

e ano?!

pinagbintangan ko ang malakanyang kung bakit brown out samen..akala ko dahil sa prayer rally..inisip ko na minasaker nila ang lahat ng pumunta doon.. seryoso..naisip ko yon..yun naman pala may inaayos lang na poste sa kanto.. ayun naman pala eh..tae!

nakyutan ako sa mga magulang ko..tumatagay sila..yung isa pale..yung isa naman light..at may repleksyon pa ng bwan..hanep talaga ang brown out..at nakiepal na din ako..

gusto ko lang magmura
tang ina mo lamok ka..
sinisip mo lahat ng dugo ko buraot..

nakita ko to:

ginawa ni jel gawa sa styro habang gumagawa kami ng collage sa FCL last year..leopold's maneuver band amp!pero natouch ako dito at kahit kelan di ko itatapon to..salamat kyuti..alabshu en hamishu..

romantik ang mood ngayong gabi..pucha puro kandila naman kase..mabuti sana kung may kalabing-labing..yung nga lang karomansahan mo ay puro lamok..
pamura lang ulit ha tang ina mo lamok ka..ang legs ko..ang legs ko..shet ka.. umisteady ako sa kwarto at gumawa ng manika..pinagtiyagaan ang kandila..tapos may napansin ako.
.
natakot ako..kapag pala tinapat sya sa kandila ay parang horror..parang hindi ako..

have you seen her?
do you know her?
have you touch her?
smell her?
read her?
i bet you don't
she never was
what she seems to be
so she can't be touch
so she can't be seen..
rocelism

9 pm ng magkailaw..parang gusto ko ng halikan lahat ng tao dito sa feliza..shet may ilaw na..

alam ko na gusto kong regalo sa pasko..

generator..

cge na..


sasasadam hussein


PROFILE/ SITE/ MESSAGE/ AFFLIATES/ ARCHIVES/